WIKA TUNGO SA PAGBABAGO
Post date: Dec 3, 2014 2:14:48 AM
Ni Judith P. Santiago
Teacher I-Science
CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL
I
Wika ang ating tanging kasangkapan
Sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan
Upang di pagkakaunawaan ay maiwasan
At maunawaan ang nilalaman ng puso at isipan.
II
Wika ang nagbubuklod kanino man
Anuman ang lahi kulay o bansang pinagmulan
Dapat magmahalan, magkapatawaran
Dahil sa ating lahat, Diyos lang ang lumalang.
III
Pakikipagtalastasan ang ating kailangan
Pag-aaral at pakikipamayan
Upang matamo yaring kaunlaran
Iisang wika dapat ang tinataglay.
IV
Wika din ang gamit sa pagnenegosyo
Mahusay na transakyon ng bawat-tao
Kasipagang taglay at pagkapursigido
Buhay natin ngayon ay unti-unting magbabago.
V
Wikang ating gamit ay sadyang mahiwaga
Bawat bigkasin natin dulot nito`y himala
Kaya sa Diyos lamang tayo dapat magtiwala
Pagkat dulot nito`y kapayapaan at pagpapala.