Ang Panulat at Karunungan
By: Desiree Mendoza
Date posted: August 14, 2020Ano na nga ba ang panulat?Di nga ba ang panulat ay ang nakamit mong karunungan sa paaralan,sa tahanan,mga kasama at sa kapaligiran na iyong ginagalawan.
Ang karunungan ay mga kaalaman na iyon nakuha natamo sa pagbabasa,pag-aaral sa mga napanood.,Nagiging makabuluhan ito kung mula sa panulat na ginamit ay nakalikom ka ng magagandang bagay, na habang buhay na nakatatak sa iyon mga alaala na masasabing kapupulutan ng aral.
Masasabi natin mahusay ang panulat kaysa sa salita,tulad na lang ng ginawa ni Dr.Jose Rizal hanggang sa panahong ito taglay natin ang magaganda niyang panulat mula sa pananakop ng mga banyaga. Mula sa kanyang panulat nabuhay ang diwa ng mga Pilipino upang bumangon sa kaapihan ng mga dayuhan.
Maraming kuwento ang nagbibigay ng magagandang- aral sa tao,natuto sila sa mga kaisipan nakapaloob doon iyan ay dahil sa panulat ng mga taong may ibat ibang karanasan
Karunungan na hinasa dahil sa maikling panulat na nakapagbigay ng maraming karanasan na kapupulutan ng aral, karagdagan kaalaman na taglay ang pagiging mahusay na tao.
Sa panulat nahahasa ang karunungan taglay ay yaman na maituturing dahil ang karunungan ay di nababayaran ng kahit sino taglay mo na ito habang nabubuhay .