THE SOUND OF SILENCE ANGKLUNG ENSEMBLE NG BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL MULING BUMIDA
Post date: Oct 27, 2015 6:42:34 AM
ni: RAMIRA R. JULIAN
Teacher I, Bataan National High School
Ang “The Sound of Silence Anklung Ensemble” ng Bataan National High School na binubuo ng mga mag-aaral na may kapansanan sa pandinig at pagsasalita na nagtanghal at naimbitahan na sa iba’t ibang programa ng Lungsod ng Balanga at telebisyon (Agila Probinsya Channel25) ay muli na namang binigyan ng magandang pagkilala ang Bataan National High School sa muling pagbida ng grupo sa pagdiriwang ng Girl Scout ng Bataan sa 37th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na ginaganap taon-taon bilang pagbibigay pagkilala at pagpapahalaga sa mga may kapansanan. Inimbitahan ng GSC ang lahat ng eskwelahan na may SPED mula Dinalupihan hanggang Mariveles, elementarya at sekondarya. Dito nagpamalas ng iba’t ibang talento ang mga mag-aaral na hindi hadlang o sagabal sa kanila ang kanilang kapansanan. Ngunit hindi nagpahuli at umangat pa rin ang husay at galing sa pagtugtog ng instrumentong Angklung o instrumentong yari sa kawayan ang mga SPED na mag-aaral ng Bataan National High School kasama ng ilang SPA na magaaral na kinumpasan ng inyong lingkod. Tunay na inabangan at hinangaan ng lahat ang kanilang presentasyon lalo na ng Girl Scout Council. Binati ng GSC ang grupo at nagsabi na muling iimbitahan at pagtatanghalin sa susunod na programa ng Girl Scout ng Bataan. Feeling proud ang ating mga mag-aaral na SPED at ang mga magulang na patuloy na sumusuporta at gumagabay sa bawat pagtatanghal ng “The Sound of Silence Angklung Ensemble”.