WIKA SA PUSO KO!
Josephina P. de Leon, HT II - COBNHS
Maraming bagay na gumulo sa aking isipan na di ko na sana itutuloy ang aking karerang“pagtuturo”.Umiwas ako ng maraming beses di na ko interesado sa aking propesyon,pero bakit ganoon? Ang tadhana ,habang pilit kang lumalayo pilit ka naman inilalapit.Dumating ang pagkakataon heto na malapit na sa akin ang paaralan,kasabay ng mga batang nagpipilit na magkaroon ng karunungan,uhaw sa ibang bagay pinilit mong mabago ang takbo ng kanilang buhay.Nakatagpo sila ng isang bagay na na makapagbibigay sigla sa kanilang pag-aaral ang matutuhan kung ano ang kahulugan ng Panitikan sa kanilang buhay?
Ang pagtuturo ng Panitikan ang nagpabago sa akin na nagsasabi at nagpapahayag ito ng ibat’-ibang karanasang may kaugnayan sa damdamin o emosyon mula sa mga karakter ng isang akda at pagtalakay o pagsasalaysay ng tungkol sa lipunan ng kanyang ginagalawan.At ito ang nagpabago sa nagpupuyos kong desisyon, marahil ito ang mga bagay na dapat na ipaunawa sa mga bata,ito ang mundo ng pag-aaral ng buhay kasabay ng matutuhan nila kung ano ang kanilang ginagalawan.Kaugnay din nito kung paano nila pahalagahan at mahalin ang wika kasabay ng kanilang pag-aaral.Subalit may pagkakataon ang mga batang iyong tinuturuan hindi lahat ng kanilang atensyon ay isang daang porsiyento nakatuon sa iyong araling tinuturo .Kaya iisip ka na naman ng paraan paano mo ibalik ang namumungay na mga mata sa oras na sila’y inaantok.Iba’t- ibang estratehiya sa pagtuturo gayundin ang mga gawain na may kaugnayan sa paksang tatalakayin ito ang naisip kong paraan upang sila ay maging masigla sa araw-araw na iyong pagtuturo.
Ito ay naging hamon para sa akin tuwing papasok sa paaralan na may sigla sa aking isipan at katawan na magbahagi ng kaalaman sa mga batang nagnanais na matuto pa lalo sa pag-aaral ng mga aralin sa Filipino.Sa mga panahong nakasama ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan nababanaag ko sa kanila ang kasiyahang ibinabahagi nila sa araling ,gayundin din ako bilang guro sa Filipino. Naging matagumpay ako na inahasik ang punla ng karunungan sa kabila ng lahat ng pagsubok sa panahon ng pagsusunog nila ng kilay sa pag-aaral ng Filipino.Sa pagdadalawang isipan ko na di na sana ituloy ang propesyong pagtuturo.Heto ako,ipinagmamalaki ko ang mga batang binigyan ng pagkakataong matuto at umunawa sa mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral.May ngiti sa kanilang labi at buong pusong niyakap at lalo pang minahal ang wikang sa ating bigay ng Poong Maykapal.
Asignaturang Filipino! ikaw ay aking buhay,dito sa aking puso at naging inspirasyon para ipagpatuloy ang propesyong pinili at at pagmalasakitan at itaguyod ang Wikang FILIPINO.