Ang Buhay ay Isang Gulong
Ni: Gemma Rose Loyola
Education Program Specialist II
Date posted: July 21, 2020May mga tanong na minsan, mahirap sagutin. Gaya ng bakit may mayaman at mahirap? Bakit may taong swerte at may malas? Ito ang mga tanong na naglalaro sa isipan ng isang tao.
Ang kahirapan ay hindi magiging hadlang kung ikaw ay may determinasyon sa buhay.May mga taong madiskarte ,malakas ang loob upang suungin ang hirap ng buhay.Hindi lahat ng bagay ay ibibigay ng Diyos.May kasabihan tayo “Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa”.Kung hindi ka kikilos at gagawa ng paraan sa buhay paano mo makakamit ang nais na pangarap?.
Ang buhay ay parang gulong minsan nasa ibabaw minsan ay nasa ibaba.Maraming pagsubok na darating sa iyo ngunit nandyan ang Diyos tutulungan ka manalig ka lang sa kanya.
May mga tao na ginagamit na instrumento ng Diyos,sila ang mga tao na tutulong sa iyo sa oras ng kagipitan.Kaya naman pag sa ganitong sitwasyon ikaw mismo ang tutulong sa iyong sarili upang makalugdan ka ng taong ginamit.Nasa iyong kamay na ang pagkakataon upang maipagpatuloy mo ang iyong kapalaran sa magandang pagkakataon na ibinigay sa iyo.
Ganyan lang ang buhay ng tao ,isang gulong na patuloy lang sa pakikibaka,gaano man kahirap may makikita ring pag-asa kung nais na makamit ang tagumpay na minimithi.