MGA PASILIDAD SA GITNA NG PANDEMYA
By: Desiree S. Mendoza
Date posted: August 14, 2020Itinuturing na ikalawang tahanan ng bawat mag- aaral ang paarala, ito ang lugar nang pagkatuto at pagdiskubre ng mga bagay - bagay upang patuloy na mapaunlad ang sarili. Sa gitna ng kinakaharap na pandemya,ang mga pasilidad ng paaralan ang nagsisilbing kanlungan ng mga kabataang uhaw sa pagkatuto ng iba't ibang bagay.Paano na kung hindi ito magamit?
Ang mga pasilidad ng paaralan ang nagsisilbing gabay at naging parte na ng buhay ng bawat mag aaral .Paano na nga ba kung hindi na talaga maaaring pahintulutan ng Gobyerno ang "face to face learning"?
Sa kinakaharap ng ating mundo ngayon, halos lahat ng bansa ay naghihirap, maging ang kilala, tanyag at napakayamang bansa ay apektado , maging ang ating bansa ay walang ligtas sa Pandemyang ito.. Ang ating gobyerno ay nahihirapang humanap ng agaran at siguradong solusyon upang masugpo ang pandemyang ito.
Ipinahahayag din sa Batas Republika bilang 9155 ang polisiya ng Estado na pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad. Kasama sa naturang edukasyon ang mga sistema ng pagkatutong alternatibo para sa mga kabataang wala sa paaralan at may edad ng mag-aaral. Layunin ng batayang edukasyon na pagkalooban ang bawat isa ng mga kasanayan, kaalaman, at kahalagahan na kinakailangan nila upang sila’y maging mahusay na mamamayang kayang mangalaga, makapagsarili,maging produktibo, at makabayan
Hindi man magamit sa ngayon ang mga pasilidad na nakatayo sa iba't ibang institusiyon, patuloy naman itong bibigyan ng kalinga at pangangalaga upang magamit ng mga susunod pang kabataan. Malayo pa ang katapusan ng pandemyang ito, ngunit nakasisiguro tayong maraming mga tao ang mas nanaising isantabi muna ang talagang edukasyon na tinatawag na face to face kapalit ng buhay.
Sa panahon ngayon hindi man magamit ang mga pasilidad ng mga paaralan, darating din ang tamang panahon na muling mapupunan ng mga ngiti galing sa mga mag - aaral na uhaw sa pagkatuto at nais na maragdagan ang kaalaman.