Serbisyong Makabuluhan
By: Desiree S. Mendoza
Date posted: August 14, 2020“DepED Core Values: Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa”, yan ang palagi nating sinasambit tuwing araw ng Lunes sa ating flag raising ceremony.
Maka-Diyos, ang pagdarasal bago magsimula at matapos ang oras ng gawain ay malaking tulong para sa atin upang tayo ay kanyang gabayan at maging tapat sa ating sinumpaang tungkulin.
Makatao, matuto tayong makisama sa ating kapwa, pagiging magalang sa kung sino man siya, isipin lagi ang kapakanan ng nakararami at iwasan ang manghamak ng kapwa o ng tao nang sa gayon tayo ay maging mabuting kawani ng gobyerno.
Makakalikasan, pagtitipid at tamang paggamit ng mga kagamitan sa opisina o sa ahensiya, sapat na konsumo tubig at kuryente, paglilinis at pagtatapon ng basura sa mga tamang tapunan. Ito ang mga dapat gawin ng isang naglilingkod na magkaroon ng malasakit sa mga kagamitan o kasangkapan na nasa paligid ng ahensiya o kagawaran.
Makabansa, ang simple at maayos na pagsunod sa mga panuntunan sa loob at labas ng opisina, pagtangkilik sa sariling produkto at pagmamahal sa sariling bayan ay pagpapakita ng isang pagiging mabuting manggagawa at mamamayan ng ating bansa.
Bukod sa ating talino at kakayahan, ito ay ilan lamang sa mahahalagang katangian na dapat taglayin ng isang kawani ng gobyerno upang magkaroon ng serbisyong totoo,dahil ito ang sinumpaang tungkulin hindi lang para sarili kundi pati sa bayan