WIKA NG PAGKAKAISA

Post date: Dec 3, 2014 2:16:45 AM

Conceptualized by: Music arranged by:

Mrs. Josefina De Leon- Head Teacher, Filipino Mrs. Judith P. Santiago- Science Teacher 1

I

Saan man sulok ng bansa

Ay may pagkakaisa

Tatak ng pagkaPilipino

Kayumanggi ang kulay ko.

II

Nagbibigkis sa `ting lahat

Adhikaing hinahangad

Isang puso`t, isang diwa

Mapagmahal, maka-Diyos na bansa.

CHORUS 1:

Ito ang lahing Pilipino

Makakalikasan at makatao

Pilipinong mapagmahal

Bayaning marangal

Tayo`y pinag-isa ng maykapal.

CHORUS 2:

Itaguyod ang wikang Filipino

Isabuhay natin ng taas noo

Pagtulong, paglinang

Sa wikang pambansa

Pagkakaisa ng buong madla.

III.

Luson, Visayas, Mindanao

Ibang lipi`t ibang diwa

Binubuklod ng iisang wika

Mamamayang nitong ating bansa.

Ito`y ating wika ng pagkakaisa. (2x)