DISIPLINA SA TEKNOLOHIYA
By: Luzve C. Atienza
Teacher I - T. Camacho Sr. Elementary School
Date posted: Mar. 20, 2019 | 2:09 PMI
Teknolohiya ba ay masama o mabuti?
Gumagamit nito ay parami ng parami.
Cellphone, Laptop at IPAD di sila pahuhuli.
Facebook, Instragram, Twitter sila’y wiling-wili.
II
Dapat lang tandaan sa paggamit nito.
Sana ay huwag lamang ito puro uso.
Isipin ninyo ang magiging epekto.
Sa bayan, sa sarili at pamilya mo.
III
Mabisa sa pagsasaliksik, isa natin click.
Malalaman ang lahat, kaya ito ay sapat.
Sa pamilya at kaibigan, na malayo man.
Makakausap sila, pagmamahal di mawawala.
IV
Komunikasyon sa pamilya at kapwa,
Ay mahalagang ugnayan ng bawat isa.
Ang teknolohiya ay isa sa paraan,
Upang magkaroon ng pagkakaunawaan.
V
Ang Pagkahilig natin sa Teknolohiya,
Kailangan nito ang disiplina.
“Think before you click” ang sabi nga,
Upang tayo sa huli ay walang problema.