Ako’y Ikaw, Ika’y Ako
ni: Michelle S. Mamalateo
Teacher I, COBNHS - Date Posted: October 16, 2018
Ako’y ikaw.Kaya ko maging ikaw.Ikaw ba’y kayang maging ako?Ngunit sino ba si ako?
Ikaw ay isang estudyante.Estudyante din ako.Nag-aaral ng kanyang aralin sa kung paano ang dapat pang gawin.Basa doon,basa dito basahang walang humpay.Sumakit man ang ulo sa dami ng gawain ay hindi ako susuko .Mapapagod ngunit hindi susuko.
Ikaw ay isa bang magulang?Sisiw sa akin yan wala pa man akong nagiging anak alam ko na ang maging isang ina. Magulang ako na nagmamalasakit na ang hangad lang ay ang gawin ninyo ang tama at malayo kayo sa masama.Hindi man kayo magkamit ng mataas na karangalan at pagkilala ang mahalaga ay may maganda pa rin kayong kalooban.
Ikaw na inhinyero at arkitekto.Ako rin yan.Ako ang nagdidisenyo at nagtatayo ng matatayog na pangarap na kasintaas ng mga naglalakihang gusali.Mataas ang pagtingin ko sa inyo dahil batid ko na kaya mong maabot ito, basta sikap at tiyaga ang baunin sa pag-akyat .Maaring mahirap,nakakapagod,nakakaiyak ngunit alam kong kakayanin mo basta sa inyong pagtaas huwag kalimutan ang nasa taas.
Kahit pagiging manggagamot. Ako pa rin iyan.Pinapagaling ko hindi lang ang iyong nararamdaman kundi maging ng iyong pusong sugatan na likha ng inyong kasintahang na mas binigyan ninyo ng halaga kaysa sa katulad ko na lahat ay kayang gawin para sa ikabubuti ninyo.
Ngunit kilala ninyo ba kung sino Ako? Ako ang madalas mong nakakasalumuha . Saksi mula sa pagiging munting paslit hanggang sa magdalaga at magbinata.Ngunit ako pa rin na hindi ninyo binibigyang halaga. Kahit na ang dami kong kayang gawin maging estudyante, magulang, arkitekto,inhinyero at manggagamot ngunit tila ako’y hindi pa rin pinapansin.Ang aking ayos at tinig na nagnanais na inyong pag-ukulan ng kaunting atensyon. Kaya kong maging higit pa sa inaakala mo. Basta sa akin ikaw ay manalig at ang aking hiling lamang ay ikaw ay maging matagumpay.Ako ang guro na gagabay sa inyo.
Magsikap ka bilang estudyante, isa itong preparasyon para sa haharapin mo ang bukas.Isipin ang iyong magulang na nagpapakahirap para mairaos ka.Kaya mapa-arkitekto, inhinyero o ano mang pangarap mo ay iyong makakamit.Ikaw ay gamot sa mga katulad ko.Sa katulad ko na pagod man sa maghapong pagtuturo ay maiibsan kapag nakita naming ang ngiti mo habang nakasuot ng togang itim at nagniningning ang mata sa natupad na pangarap.
"If everyone is moving forward together, then success takes care of itself." Ayon kay Henry Ford.
Hindi tayo magtatagumpay kung ako lang ang magiging ikaw dapat tayo ay maging isa sa tagumpay nating inaasam .Ikaw ay ako. Kaya mo ding maging ako. Kaya naman ako’y ikaw.Ikaw ay ako….