BRIGADA ESKWELA: LIPUNANG MATATAG
Novina R. Ruales
T-III T. Camacho Sr. E.S.
Date posted: June 25, 2019 | 4:52 PMTaon-taon, ginagawa ang Brigada Eskwela sa Pilipinas upang ihanda ang paaralan sa parating na pasukan. Ang paglilinis at pagsasaayos ng bawat kuwarto na sama-samang ginagampanan ng iba’t-ibang organisasyon kasama na ang mga mag-aaral, kabataan, magulang at ng buong komunidad pati na ang pamahalaan na walang sawang tumutulong sa mga kaguruan. Ang mga pribadong sector na nakikiisa upang tumulong sa pagkukumpuni ng mga nasirang gamit sa paaralan. Ang mga kapulisan, sundalo at bumberong nakaagapay sa pagsasaayos at pagpapaganda ng bawat sulok sa loob at labas ng paaralan upang maging ligtas sa mga mag-aaral na bumalik sa pag-aaral ng sa gayon ay maipagpatuloy ang adhikaing makatapos at makamit ang edukasyong ninanais.
Anong dahilan o layunin ng departamento pamahalaan sa ganitong taunang programa ng paaralan? Bakit kailangan pa na magkaroon ng Brigada Eskwela taon-taon? Nagiging handa ang bawat isa sa pagbabalik - paaralan. Isang matatag at maunlad na samahan ang nabubuo sa bawat komunidad, sa relasyon ng bata, magulang at guro. Naipaparamdan ang kahalagahan o importansya ng bawat isa. Dahil sa pagtutulungan at pagkakaisa, yumayabong ang samahan ng pagkakaibigan na nagdudulot upang magkaroon at makamit ang napakagandang kalidad ng edukasyon tungo sa isang maunlad at matatag na lipunan.