ALS PAG-ASA SA KINABUKASAN NG MARAMING KABATAAN
Post date: Sep 28, 2010 7:56:16 AM
Written by Mrs. Irene P. Aranas, ALS Mobile Teacher
Friday, 25 September 2009
Ang Alternative Learning System o ALS ay programa ng pamahalaan para sa mga out of school youth at out of school adult na hindi nakatapos ng pag-aaral sa elementarya at sekondarya. Maraming mga out-of-school youth at out-of-school adult na hindi nakapasok at nakatapos sa paaralan ang nabiyayaan ng programang ito.
Ang sinuman na makapasok at makapasa sa pagsusulit na ibinibigay ng ALS na tinatawag na A&E o Accreditation & Equivalency Test ay binibigyan ng katibayan ng pagtatapos na nilalagdaan ng Kalihim ng Departamento ng Edukasyon. Ang mga nasa sekondarya na makakapasa sa pagsusulit ay maaaring makapasok sa kahit na anong kurso sa kolehiyo. Ang mga elementarya naman na makakapasa ay maaari ring makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa mataas na paaralan. Ito na marahil ang simula ng pagbabago at pag-asenso sa buhay ng ating mga kabataan.
Sa programang ito ng ating pamahalaan malaki ang tulong at suportang ibinibigay ng mga Barangay Officials sa pangunguna ng mga Barangay Chairman. Pinapahintulutan nila na magamit ang kanilang Barangay Hall at Multi Purpose Hall upang gawing learning center at kasama na rin ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at mga guro. Malaking tulong din ang ibinibigay na suporta ng ating butihing ama ng Lungsod Hon. Jose Enriques S. Garcia III at kanyang Sangguniang Panglunsod sa lahat ng programa ng ALS dito sa Dibisyon ng Balanga.
Sa kasalukuyan ay mayroong labing- isang learning center sa iba’t ibang Barangay na pinagdarausan ng klase tulad sa Cupang West Multi Purpose Hall, Tenejero Brgy. Hall, Camacho Elementaty School, Upper Tuyo Brgy. Hall, Tuyo Proper Multi Purpose Hall, ALS CLRC sa Talisay, Pto. Rivas Bgry. Hall, Sibacan Brgy. Hall, Dangcol Bgry Hall, at Tanato Brgy. Hall.
Ang pamunuan ng ALS ay lubos na nagpapasalamat sa bukas palad na pagtanggap ng mga Barangay Officials. Lalong lalo na sa Barangay Chairman ng Cupang West, Capitan Jernie Jett Nisay at sa kanyang mga kagawad.