ABAKADA GURO
Post date: Jun 3, 2015 9:03:11 AM
by: Elsa Rivera Cruz
Bataan National High School
Kung si Lorna Tolentino may Abakada Ina, may ibang bersyon ako noon.
Aba nakakabas na ako sabi ni Bob Ong, magpasalamat ka sa guro mo sa Grade 1, kahit hirap na hirap kang unawain ang itinutuuro nya nasaan ka na ngayon.. Sa dami ng kabataang natutong bumasa dahil sa kanya. Aba,,, natuto ka bang magpasalamat,..
Minsan nga nakakamanghang isipin na sa bawat taon ilang mag-aaral ang buong pusong pinglilingkuran ng bawat guro “Anak” yan ang paborito naming tawag sa inyo kung sa bahay, may sarili kaming anak sa paaralan napakarami naming “anak”. Mga kabataang pinipilit naming hubugin sa tamang landas.
Ilang president pa ba ng bansa ang dadaan at aalis sa aming palad? Ilang inhinyero, abugado, nars, doctor ang magmumula sa amin, ilang kabataan ag hindi magtatagumpay na nagududlot sa amin ng kalungkutan at kabiguan.
Ang buhay ng guro masay, puno ng pag-asa at pagaasam… Pasukan na naman, palagi naming tanong “ sino na naman ang dadating”? Ang mag-aaral kaya nagtatanong din? Sino na naman ang dadatnan?
Isang lingo bago ang pasukan inihahanda nila ang lahat. Linis doon dito gusto nilang maging maayos ang lahat sa inyong paningin..maging komportable ang kanilang mag-aaral. Sa bahay nga di nagwawalis si “Ma’am,” sa paaralan pagpasok pa lang walis na ang hawak, walang tigil ang basa niya, pagdalo sa seminar, paghahanda ng sarili lahat para sa iyo…alam nyo kaya iyon? Minsan tulouy nakakapagdamdam, sabagay sa “teachers day” naman sa bulaklak na bigay mo naiiyak na siya..kasi nakikita din pala ang halaga niya sa buhay mo.
Kapag absent ka nga alalang – alala siya. Tanong ng tanong anong nangyayari sa iyo, okay ka lang ba nasaan ka na? Pero pag si “Ma’am” absent “Yess”! yan ang sigaw mo.
Pag may problem aka, nandyan siya handing makinig kahit pambata ang problema mo. Ikaw alam mo bang may problema din siya.. na masama ang pakiramdam niya?
Maraming mag-aaral ang darating at aalis. Marami sa kanila ang naabot nating mga guro ang kanilang buhay hanggang maging bahagi na ng araw- araw nilang pamumuhay.
Madalas, sa simpleng pasasalamat tayo’y lubos na tuwang – tuwa lalo na kapg sila’y dumadating sa araw ng pagtatapos. Masaya nating sinasamahan ang kanilang mga magulang sa araw na iyonn na alam nating tayo ay bahagi ng tagumpay na ito.
Abakada… Aba Ginoong Maria salamat sa Guro ko, eto na ako ngayon.
…kada araw na nagdaan, wala ako kundi dahil ay “Ma’am”.