Batang Millennial
ni Emily D.Madarang
Teacher II - T. Camacho Sr. Elementary School
Date posted: Feb. 20, 2019 | 4:40 PMAng mga batang ipinanganak sa pagitan ng taong 1980 hanggang 2000 ay tinatawag nating Millennials.
Ano nga ba ang mga batang Millennials?Dapat nating lubos na maunawaan ang kanilang mga gawi at nais sa buhay.
Ang mga Millennials daw ay mahirap maunawaan ng karamihan.Hindi lamang sa pagsasalita, pananamit at maging sa pag-uugali.Sa madaling salita mahirap ispilengin.
Ano kaya ang dahilan? Dahil kaya sa gatas na naipainom sa kanila? O,pagkaing kinakain nila? Na puro kemikal at may mga sangkap na nakakapagpa-hyper sa kanila?
Masasabi nating matatalino at mahuhusay ang mga batang tulad nila. Marami silang kayang gawin na hindi natin magagawa. Marami silang ugali o kilos na hindi naman maintindihan. Sila ay mga batang lumaki sa panahong uso ang computer at gadgets.
Mahuhusay sa mga modernong kagamitan, subalit ang totoo, ang mga batang ito ay mga batang hindi naranasan ang tunay na kalakaran ng nakaraan.
Hindi nila nalasap ang sarap maligo sa ilog, maglaro ng taguan sa liwanag ng buwan at paminsan-minsan ay mahulog sa puno ng bayabas, at ni walang alam sa kasaysayan.
Umaga pa lamang ay gadget na ang kaharap, hindi makausap at nagging karanasan, napupuyat sa gabi sa kalalaro at kaka-chat. Sa kuwarto ay hindi na halos lumalabas, lumabas man ay gabi na,at kasama ang mga barkada sa gig at kainan. Hindi mahagilap kung nasaan.
Tunay ngang mahirap silang maunawaan,sila ang dapat pagtuunan ng gabay at atensiyon. Sila ang mga kabataan ng makabagong panahon, panahon na kung saan puro online games ang alam.
Ipaalala at ituro pa din natin sa kanila ang ating naranasan, unawain at gabayan sila upang hindi mapariwara at mapadpad sa kawalan. Iparanas natin sa kanila ang sarap ng buhay noon na ating nakagisnan. Mahalin at bigyan ng pansin ang mga batang Millennials sa modernong panahon.