Biyahe ng Buhay
Post date: Mar 28, 2017 12:41:30 PM
Ni: Flordeliza B. Castor
T – III
Bataan National High School
SANAYSAY
“Venida, Pasay…Avenida.. Cubao”, sigaw ng konduktor sa mga nagmamadaling mga pasahero.
Masaya kong pinagmamasdan ang galaw ng mga taong nagmamadali sa pagsakay patungo sa kanilang pupuntahan. Ang tanong ko lang, “Anong biyahe ba ang tamang sakyan?”
Bilang isang guro, naisip ko kami pala ay maihahalintulad sa drayber ng isang papasaherong bus na inihahatid ang kanyang mga pasahero ng ligtas sa kanilang patutunguhan.
Iba’t ibang direksyon ang maaari nilang puntahan depende kung saan naming sila ihahatid. Sinikap kong balikan ang paglalakbay na ito… kapit lang.
Simula ng paglalakbay
Minsan ay may nagtanong sa isang grupo ng mga gurong palabas ng paaralan: Ano ang naiisip mo kapag palabas ka na ng paaralan?
Maraming sagot:
“Salamat, mapapahinga na ako.”
“Kailangan kong sunduin ang anak ko.”
“Ano kaya ang ulam naming sa hapunan?”
Walang sumagot na “May natutuhan kaya ang mga tinuruan ko sa araw na ito?”
Siguro dahil palabas na sila ng gate nagtransform na sila bilang “Wonder Nanay, Super Mommy o Darna?” Dahil naghihintay na sa mga bahay nila ang ga- bundok na labahin, ilulutong hapunan, plantsahin, linisi at napakaraming isipin sa buhay.
Ngunit alam ko matapos ang extra curricular activities mo sa buhay kaharap mo na uli si DLL…sulat dito, gupit doon at paghahanda ng aralin para bukas. Binubusog ang anak ng kaalaman upang maibahagi sa iba.
Sa biyahe nating ito medyo mataas ang pamasahe kasi mga batang paslit ang kaharap mo. Inuumpisahan mo silang turuan kung paanong bumasa at sumulat.
Gitnang Bahagi ng Paglalakbay
Hinga muna ng kaunti. Sa mahabang biyahe at narrating mo na ang gitna, dapat daw maghinay- hinay ka muna. Kailangan dawn g sandaling pahinga at baka madisgrasya ka sa daan.
Ganoon din sa buhay ng guro kapag nakita mo na kung nasaan na ang mga naturuan mo, masayang- masaya ka sa anumang nagawa mo, lalo at nakita mo na ang pinaghirapan mo. Nariyang sabihing inhinyero na si ganoon, abogado na si ganire at marami pang naging ganoon dahil sa iyo. Kapag nabasa mo na sa tarpaulin na nakasabit sa gate ang salitang “cumlaude”’ “board exam,” “fifth placer” isisigaw ng isip mo “teacher ako niyan”. Sa haba ng paglalakbay mo at ng batang ito nagbunga na ng maganda ang pag- aaral ng gabi, pagtulog sa mesa ng computer, research doon, aral dito. Ito pala ay bahagi ng biyahe mo… Upps bawal ang huminto.
Biyahe Patungo sa Tagumpay
Malapit na kapit ka… mahirap nab aka hindi ka makarating sa patutunguhan mo. Alalahanin mo ilang guro na ang dumami ang puti ng buhokat naging senior citizen na nakasama mo sa “special trip” na ito. minsan papasok ka ng gate may hihintong magarang sasakyan at lalabas ang nakasakay na nakasuot din ng magarang damit at sasabihing “ pa- bless po, estudyante nyo po ako dati”. Sila ang dating napapagalitan ng guro dahil sa kakulitan, nagtampo sa iyo dahil sinermunan mo, naiiyak ka din kasi eto sila. “Piso na lang, bababa na.”
Nakatutuwa lang balikan ang biyaheng nilakbay mo kasama ang mga batang ito. Otso pesos lang na pamasahe papuntang “Arellano” pero ang nakikinabang dito tatlong daan at limampung mag- aaral na makikinabang sa ituturo mo at magkakaroon ng pagbabago sa buhay dahil sa biyaheng iyon.
Minsang naitatanong mo lang, “Hanggang saan ba ang biyaheng ito?”
Huwag kang titigil… sana lang sulit ang bawat biyahe mo.