TIYAGA AT PAGTITIIS: MAHAHALAGANG KATANGIAN NG ISANG GURO

Post date: May 25, 2017 2:48:54 AM

Ni: Engr. Jhon Zen I. Capulong

Ang sabi ni Persius Flaccus, isang makatang Romano, He who conquers endures. Matatalinong pananalita na binigkas ng isang makata. Bagama’t ang dalawang salitang ito ay magkakahawig sa kahulugan na nagbabadya ng pagtitiis at mga hindi magandang pangyayari. Ang mga salitang ito bagama’t may pagkakahawig ay may pagkakaiba din. Una nating bigyan ng kahulugan ang bawa’t isa. Ano ba ang Patience? Ang sabi sa Oxford English Dictionary, ito ay ability to accept delay or trouble calmly. Kung bibigyan mo ng kasing kahulugan sa wikang Pilipino, ito ay Pagpapasensya o Paghihintay ng may tiyaga at matiwasay na kalooban. Ang patience ay iniuugnay sa nararanasan nating di maganda. Halimbawa, pagtitiis o paghihintay na bumuti ang di magandang pag-uugali ng isang anak o maaari ding sana ay .gumaling ang isang karamdaman na nagpapahirap sa atin. O puwede rin naman na buong tiyagang hinihintay mo na ikaw ay maataas ng puwesto bilang isang guro o halimbawa ay nagkasala sa iyo ang isang kasamahan sa trabaho, maaari mo siyang pagpasensyahan o patawarin kaysa sa ikaw ay maghiganti, isa pang halimbawa ay ang paghihintay na matawag ang pangalan mo habang nasa isa kang mahabang pila, o matiyaga kang nakikinig sa isang speaker sa isang seminar

Ano naman ang kahulugan ng Endurance? Ang endurance ay pagtitiyaga at pagtitiis sa mga nararanasang sakit o kahirapan sa buhay. Karaniwang ginagamit ang salitang ito sa mga mahihirap na sitwasyon, halimbawa ay ang pagtitiis ng isang guro sa napakalayong destino, na tatawid pa sa mga ilog at mga bundok bago marating ang paaralang pinagtuturuan. Hindi niya alintana ang hirap na tinitiis sa halip ay nagtitiyaga sya na balang araw ay sisikat din ang araw para sa kanya. Maaari din namang ang mga nagpapaaral na mga magulang ay kailangang magtiis at magtiyaga upang balang araw ang kanilang mga anak ay matapos at magkaroon ng magandang hanap-buhay at pamilya.

Para sa mga guro na maraming pinagdaraanang pagpapasensya, tiyaga at paghihirap, may dalawang bagay na pagpipilian sa buhay: maaari kang umatras at tanggapin ang pagkatalo o maging isang bigo o harapin ang hamon ng buhay at magtagumpay Darating din ang panahon na ang araw ay sisikat para sa inyo. Kailangang-kailangan natin ang sipag, tiyaga pasensya at pagtitiis.