Magsasaka at Guro, Larangang Hinahangaan ko

Post date: Feb 22, 2018 2:25:10 AM

By: KIMBERLY B. PAGUNTALAN

Ang magsasaka ay para sa bukid.

Ang guro ay para sa paraalan.

Magkaiba man ng larangan.

Pareho naman ang ginagampanan.

At iyon ay ang makatulong sa mamayan.

Hirap man ay laging nararanasan.

Sa kanila ay ayos lamang.

Basta’t magampanan ang kanilang katungkulan.

Hindi na alintana puyat o pagod man.

Sapagkat ang nais lamang nila ay tayo’y matulungan.

Mga magsasaka at mga kaguruan.

Aalis ng bukang-liwayway at kung minsa’y uuwi ‘y takip-silim.

Sapagkat sila’y dedikado sa kani-kaniyang trabaho.

Kaya’t sa kanila ay sasaludo.

Sa kasipaga’y hahangaan mong todo.

Kaya’t maraming salamat po sa inyo.

Mga mahal naming magsasaka at mga guro.

Sa pag-unlad ng kabataan at bayan,

malaking bahagi ang ambag niyo.

Tunay na kahanga-hanga.

Sa amin ay bayani kayo.