DEPRESYON (EMOSYON O KARAMDAMAN)
Novina R. Ruales
Teacher III - T.C.Sr.E.S.
Date posted: December 12, 2018Tulala sa isang tabi, malayo ang tingin, hindi mapakali, at paiba-iba ang nararamdaman. Walang anumang dahilan o kausap bigla bigla nalang natatawa, nalulungkot at iiyak. Kausap ang sarili sasabaya ng pagkabugnot at pagkayamot. Madalas feeling lonely, helpless or sad. Ano ang maiisip ng mga taong nakapaligid sa iyo kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyo? Magsisisisi o maninisi dahil sa mga nangyari sa buhay? Magagalit o gagawa ng mga hakbang na sa bandang huli ay lalo pang ikapapahamak? Ito ay ilan lamang sa mga sintomas na mayroong depresyon.
Ito ay isang uri lamang ng karamdaman na lumalaki o palobo na nang palobo sa dami ng mayroong depresyon o nakararanas ng ganito. Ngunit sa kabila ng lahat, nakalulungkot isiping, ito ay hindi nabibigyan ng pansin ng ating pamahalaan. Bagkus madalas isinasawalang bahala at hindi nabibigyan ng tamang impormasyong kung ano nga ba ang DEPRESYON. Madalas ang mga taong may depresyon ay ikinakatutwa at nilalait lamang ng mga taong nakapaligid. PInagtatawanan at binubully o minamaliit. Walang anumang ideya kung paano ito haharapin o bakit dumadadaan sa ganitong uri ng karamadaman. At kung hindi mabibigyan ng pansin maaaring ipadala sa tahanan ng mga baliw. Natatakot ipaalam, sabihin o ipakita dahil alam sa mga maling pakiramdam na baka ikahiya. Kung kaya’t sa bandang huli, kapag hindi na nakayan ang anumang bigay ng dinadala ay nakagagawa ng mga maling hakbangin.
Ang kalungkutan, stress at depresyon ay magkakaiba ng lebel ng damdamin. Ang kalungkutan ay isang damdaming maaaring panandalian o pangmatagalang lungkot ngunit ito ay mawawala kung may isang bagay na makapagpapasiya sa atin, maaaring maging dahilan upang sumaka kakahit man lang panandalian o kundi man ay tuluyang mawala ang kalungkutan. Isang uri ng emosyog depende sa lebel o porsiyento ng pagkalungkot para sa isang pangyayaring naganap. Ang stress ay isang uri ng damdaming di mapigilan namay kahalong pag-iisip at pagkatakot na hindi mapakali.
Kasabay nito ang madalas na hindi maintindihan kung bakit palaging naninikip ang dibdib. Madalas na hindi mapagkatulog o palaging napupuyat dahil lamang sa kung ano-anong bagay ang palaging pumapasok sa isip kahit na ayaw isipin. Kawalan ng gana sa pagkain kahit ito man ay paborito at isa sa pinakamalasa / pinakamasarap na putaheng inihanda. Madalas na pagkasakit ng ulo at pananakit ng katawan na sinasabayan ng ipinagkakamaling trangkaso. Kapag ang kalungkutan ay hindi nakayan at stress ay hindi na mapigilan ng taong apektado, dito nag-uumpisa ang sinasabing depresyon.
Ano nga ba ang depresyon para sa ilang hindi nakakaintindi? Madalas kapag nalamang may depresyon, ang sinasabi ay unti-unti nang nasisiraan ng bait, may tama o kaya man nawawala na naman sa sarili? Hindi makikita sa isang tao kung ito ay iyong titignan lamang. Sa isang taong nakatayo at nakangiti masayang nakikipag-usap, nagpapasiya at gumagawa ng mga bagay na ikasisiya ng mga taong nasa paligid niya. Masipag na nag-gagawa at inuubos ang buong lakas sa pagtratrabaho hanggang sa mapagod. Nalulungkot, sisisihin ang sarili at iiyak na lamang kapag nag-iisa na lamang. Hanggang dumarating sa puntona nasasaktan ang sarili nang hindi namamalayan. Ang tawag sa sakit na ito ay depresyon.
Ito ay isang uri ng sakit na may kinalaman sa mentalidad ng isang tao kung paano haharapin ang mga pangyayaring naganap at nagaganap sa kanyang buhay. Kadalasan ang mga taong nakararanas ng ganito ay ang mga namatayan, palagiang napapahiya, nawalan ng taong minamahal o di kaya ay tinalikuran na sa kanyang pang-unawa ay wala ng silbi pang mabuhay sa mundo. Lahat ng mga tao ay may posibilidad na puwedeng magkaroon ng ganitong klaseng sakit. Hindi alam kung anong uri ng panahon, mahirap man o mayaman, mga kilalang tao sa lipunan o ordinaryong mamaamayan ay maaaring magkaroon ng depresyon. Wala sa estado ng pamumuhay ang puwedeng makaramdan ng depresyon. Babae o lalake, bakla man o tomboy ay walang pinipili, bata at matanda ay pare-pareho tayong maaaring magkaroon ng ganitong uri ng karamdaman.
Halos 75% batay sa aking mga nababalitaan, napapanood, at nababasa ay puro mga hiniwalayan ng asawa at nalamang may ibang karelasyon ang minamahal. Nasa 10% naman ang may mga kasong may marangyang buhay na nauwi sa kahirapan dahil sa hindi magandang paghawak ng kayaman at kilalang tao sa lipunan ngunit sa bandang huli ay nag At pumapalo naman sa 15% ang hindi nakamit ang kagustuhan sa buhay. Hindi nakukuha s agamot ang kagalingan ng depresyon. Ito ay panandalian lamang at kapag nawala na ang epekto ng gamot, babalik na naman sa dating reyalidad kung ano man ang anraramdaman. Ngunit ang pinakamahirap na malalang epekto dulot ng gamot sa kalusugan ng pangangatawan at kaisipan ng isang tao ay nagiging bunga kung bakit nanghihina ang tao at nauuwi sa sinasabing pagpapatiwakal na siyang nangyayari karamihan sa mga taong mayroong depresyon.
Paano nga ba masosolsyunan ang depresyon? Bakit kailangan nating pagtuunan ng panahon ang kagalingang hinahanap Saan-saan kaya maaaring makikita ang kagalingan? Kailan dapat ito’y harapin at sinu-sinu ang maaaring makatulong s amga taong may depresyon?
Ito ay kung paanong dadalhin at haharapin ng taong may depresyon ang kasalukuyan niyang sitwasyon. Masakit man at mahirap ngunit kailangang maging matatag at malakas ang loob. Panannampalataya sa ating Panginoong Lumikha na magbibigay ng pag-asa para sa mga hinaharap na problema. Kinakailangan ng tulong ng mga taong nakapaligid at higit sa lahat ay ang suporta, pagkalingang emosyonal, pinansiyal at espiritwal ng sariling pamilya. Hindi kailangang ipakita na wala nang pag-asa sa buhay sa halip na lumaban. Paglaanan ng oras upang pakinggan ang anumang hinaing, lungkot, takot o maliligayang araw. Lahat ng aspetong pinagdadaanan ng may depresyon ay kailangang harapi, labanan, maging positibo at higit sa lahat ang MAHALIN ang sarili na siyang magiging dahilan upang tuluyan gumaling at magbago ang pananaw sa buhay. Tandaan lang nating ANG DIYOS ang nagbigay ng buhay at kailangan lang nating ipagkatiwala ito sa kanya.
Ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip ay siyang magiging GAMOT upang tuluyang gumaling. Kailang lamang harapin ang anumang uri ng bagyong dumating sa buhay at bigyan ng solusyon gaano pa man ito kabigat o katinding hagupit sa buhay. Gawing sandata anumang sinasabi at isang napakalakas na panangga upang maipakita na hindi kayang buwagin o pabagsakin. Sabayan ng palagiang paghingi ng gabay, tulong at pagbabasbas sa ating Dakilang Lumikha sa tuwi-tuwina. Sapagkat ang DIYOS lamang ang nakaaalam ng ating kapalaran. Kapalarang tayo lamang din ang gumagawa kung saan patungo, kung ano ang kalalabasan at kung ano man ang maaaring ibunga.
Palaging magpatawad sa mga taong nakasakit o hindi nakagawa ng mabuti kahit na ilang ulit na pananakit, pangungutya o hindi pagtanggap at pagtalikod. Tanggapin itong isang positibong krisistimo upang lalo pang yumabong ang kaalaman. Ibulong at humingi ng kapatawaran sa ating PANGINOONG MAYKAPAL sa lahat ng kasalanang nagawa. Dahil ito ang magbibigay ng tunay na kagalingan upang magkaroon ka ng isang totoong kasiyahan at kapayapaan sa iyong puso’t isipan.
Tandaan lamang na kung minsang madapa o paulit-ulit man, huwag matakot na bumangon muli, sapagkat walang pagkatuto kung hindi tayo magkakamali. Sa bandang huli ay makikita ang kasagutang hinahanap, kasiyahang nawawala at higit sa lahat ay kapayapaan ng KALOOBAN AT KAISIPAN na mauuwi sa isang MASAYANG PAMUMUHAY.