KauntingLungkot Mas MaramingLigaya
Post date: Nov 23, 2016 2:20:21 AM
Nerissa D. De Jesus, MT-I
Bataan National High School
1 + 2 = Problema at Ligaya.
Minsan di mo akalain kung ano ang kahahantungan ng iyong kapalaran, di mo inaakala na ikaw ay magiging guro na magbibigay ng liwanag sa magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.
Sa isang nobelang “ Titser” ni Liwayway Arceo, inilarawan nito na “alipin ng bayan“ ang mga guro, taga pag-alaga ng mga mag-aaral sa maghapong pagtuturo at iuuwi pa ang sandamakmak na Gawain hanggang bahay, kaya’t di na maihakbang ang mga paa ng mabibigat sa dami ng dala-dala sa kanyang malaking bag.
Galit ang inang si Aling Rosa sa kinuhang kurso ni Amelita dahil kakarampot ang sahod ng anak na guro. Mababa ang tingin.
Ganito ang kalagayan ng mga guro sa kasalukuyan, may mga magulang na kulang ang paggalang sa guro, kung may pagkukulang ang anak sa paaralan, o di pagkakaunawaan ang dalawang panig nasa halip na pag-uusapan muna sa paaralan ay diretso na ang reklamo sa Dibisyon. Kawawang guro! Nakaladkadangpangalansamuntingusapinlamang.
Mga Kuwentong isa…
1 mag-aaral namin ang problema ng guro sa klase na nais niyang tulungan dahil biktima ng kalapastanganan.
1 estudyante ang sumasagot sa guro kung napupuna ng guro ang maling gawin ito at ang tanging nais lamang ay ituwid ang kawawang mag-aaral.
1 mag-aaral na naliligaw ng landas dahil produkto ng broken family.
1 guro, na naiingit sa kanyang kapwa guro dahil umaangat ito sa kanyang sariling pagsisikap. Kahabag-habag naman siya.
Mga Kuwentong dalawa….
2 mag-aaral ang babalik sa dinami-dami ng naging estudyante at nagpapasalamat sa guro kung sila’y nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo.
2 seksyon ng mga mag-aaral o higit pa ang babati sa iyo at ipaghahanda katuwing kaarawan mo, para paligayahin ka, pero naiiyak ka.
2 taong kukunin kang ninong o ninang sa kasal na dati mong mag-aaral dahil nakita nilang naging tunay kang pangalawa ng magulang sa kanila .
2 magulang na nagpapasalamat sa iyong paggabay sa kanilang anak dahil nakapagtapos ng pag-aral.
Marami pang mga dalawang kuwento ang mga guro sa kanyang buhay.
1 + 2 = Problema at Ligaya.
Sa kabuuan, kung ikaw ay tunay naguro sa propesyon, makakaharap ka ng paisa-isang problema nadudurog sa iyong puso, na nagpapakita ng problema ng ating lipunan.
Kaligayahang hatid ng mga mag-aaral sa isang guro ay doble ang saya, mapapatunayang itinuros aiyo ng kapalaran ang daang iyong tinatahak.
1+ 2 = Problema at Ligaya
Ang guro ay matatag, malakas at matalino sa pagharap sa mga problema, sa kabila nito, hatid ay mas maraming ligaya upang masukat kung gaano mo kamahal ang iyong propesyon, dahil kung hindi mabilis kang lilisan sa paaralan upang hanapin ang tunay mong kaligayahan.