Damdaming Malaya
Isinulat ni: Sheila M. Corpuz
T-III ng M.Delos Reyes Mem.Elem. Sch.
Date posted: February 20, 2020 | 1:57 PMAng paaralan ang nagsisilbing ikalawang pamilya ng mga guro, kung saan ang iba’y dito na lumago, nahubog at pinanday ng panahon. Mataas ang pagtingin ng lipunan sa mga kagaya namin, para sa kanila ang mga guro ay isang modelo ng karunungan at kagandahang asal. Ngunit hindi lingid sa kanilang kaalaman, si Maestro at Maestra na itinturing buhay na bayani minsan ay dumadanas rin ng pagod at pighati sa buhay. Ang sigaw ng aming puso’t isipan ay nagagapos na lamang ng katahimikan. “Tao rin kami” na nangangailangan ng pahinga at pagpapahalaga. Respeto ang tanging hiling sa mga studyanteng milenyo. Ibayong pagsuporta ang inaasam mula sa mga magulang ng komunidad na pinagsisilbihan naming mga guro. Higit sa lahat pang-unawa sa kalagayang kinakaharap namin ngayon mula sa aming mga pinuno.
Bakit? Ang tanong ng karamihan sa anong kadahilanan bigla-bigla ang ilan sa amin ay sumuko. Ang iba sa kanila ay maaga ng nagretiro, nangibang bansa o ang pinaka nakakalungkot sa lahat ang ilan ay nagpaalam na sa serbisyo. Hinaing nila’y paper works at urgent reports ng ibat-ibang ahensiya sa kanila na rin iniatang.pilit pinagkakasya kakarampot na sahod sa kadahilanang kami ay nalulubog na sa utang. Ang batang si Juan hindi makabasa’t makabilang kadalasan guro ang idinadahilan. Pag- uugali nilang mali sa papaanong tamang disiplina kaya nila ito masosolusyunan. Kaliwa’t kanan ang usapin tungkol sa amin sa social media, minsan para bang walang katapusang problema ag kinakaharap ng bawat isa. Gurong nawalan na ng alab sa pagsisilbi sa sarili niyang bayan, hanggang kailan kaya kayang magpakatatag at lumaban.
Magbalik tanaw tayo sa sinumpaang pangako para sa bata, para bayan tayong guro ay tatayo.
Mapapagod pero hindi aayaw, mapapagod pero hindi bibitaw at higit sa lahat hindi tayo susuko. Gawin nating inspirasyong ang mga batang naghihintay na muling magbabalik ang alab ng puso.
Ang alab na magiging gabay natin sa dedikasyong magsilbi sa mga bata at makapagturo. Salubungin man ng maraming problema pero huwag kakalimutang may Diyos na sa ating ay kakalinga. Sa Kaniya tayo humingi ng lakas at awa, pagmamahal ng pamilya ang baunin nating sandata. Ikaw na kapwa ko guro na nakababasa nito, hindi ka nag-iisa ramdam ko din ang iyong dinadala. Isulat mo din sa bawat taludtod gaya nito kahit paano damdaming mabigat ngayon nakalaya na.