Dionatext: Bagong Anyo ng Panitikan sa Panahon ng Teknolohiya
Post date: Mar 6, 2015 2:21:27 AM
Ni Flordeliza B. Castor
Guro sa Filipino – Bataan National High School
Sinasabing ang panulaan ay kasing tanda ng kasaysayan at sa tuwing ito ay lilitaw ay nagpapakita ng katamisan, kagandahan at kalamyusan. Ang mga Pilipino ay likas ang hilig sa pagtula. Tula ang daan ng pagpapahayag ng pag-ibig, sapag-awit sa kanyang musa… tula ang gamit, tula ang paraan ng pagpuri sa kanyang bayan at mga bayani o minsan ang tula din ay gamit sa pakikipagtalo.
Sa bagong panahon sa pagtuturo ng teknolohiya, paano makikisabay ang tula sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay walang hilig sa pagbuo ng tula. Upang ang guro ay makasunod sa usad ng teknolohiya, binuo and “dionatext”.
Ano nga baang “dionatext”? Ito ay tatlong anyo ng pinaikling katutubong tula na biglang na buhay saala-alang madla sapamamagitan ng contest na ginamitang texting.
Una, ang “tanaga” sa timpalak na “textanaga”, ikalawa ang “dalit”,sa “dalitext” at ang ikatlo “diona” sa “dionatext”. Sa naturang mga anyo, ang “diona” ang lumitaw na bagung-bago sa pandinig kahit sa mga iskolar at makatang tagalog.
Ang “diona” ay isang halimbawang “epitalamico” natawag ng mga Espanyol sa madamdaming awit sa kasal.
Kaya’t tayong mga guro sa ngayon na nagtuturo lalo na sa asignaturang Filipino, subukan natin ang “dionatext” na ito at tiyak na ang ating mag-aaral ay maaliw sa pagsulat nito.
Narito ang halimbawa:
*Paglisan mo bunso *Anak na nagkamali *Ang paying ko’y si Inay *Tagpi-tagping yero man
Wag ka bigin ang pinto Kung ngayo’y sa sanguni Kapote ko si Itay Sa piling ng magulang
Sisilip pa ang puso Yayakapin ding muli Sa maulan kong buhay Abot ang kalangitan
Kasabay ng pag-unlad ng panahon, tayong mga guro sa Filipino ng kasalukuyan ay malayang gamitin ang dionatext na magsisilbing tulang makabagong panahon na mag-uugnay sa nagdaan at kasalukuyan.