Magturo ay ‘Di Biro
Post date: Apr 30, 2018 5:57:18 AM
By: Camille P. Tipay
Teacher I - BNHS
“Magturo ay “Di Biro”
“Maghapong Nakatayo.”
Napakahirap magturo…. Lalo na sa panahon ngayon na karamihan sa mga mag-aaral ay hindi na takot sa kanilang mga guro.
Nandiyan na sinasagot, binabastos at minumura ang dapat sanang pangalawang magulang nila. Nakakalungkot dahil iilan na lamang talaga ang tunay na may respeto at pagmamahal sa kanilang maestra’t maestro.
Kaya nga ang “Pagtuturo ay dapat Isapuso”
Sapagkat ang Magturo ay ‘Di Biro.
Darating talaga sa punto nang buhay ng isang guro na mapapagod na siyang magturo……
Ayaw na niyang magturo……
Tama na ang pagtuturo……..
Halos lahat ng mga guro ay dumaan diyan…
Naiisip iyan…..
Nararamdaman ‘yan….
Natural lang ‘yan sapagkat ang mga malalakas ay napapagod din subalit hindi sila tumitigil. Ganoon ka rin sana mapagod ka man pero huwag kang tumigil lalo na’t maraming kabataan sa panahon ngayon ang higit na nangangailangan ng gabay at patnubay ng mga kaguruan hindi lamang sa pang-akademikong aspekto higit lalo sa pagiging Mabuting Tao.
Kaya kapwa ko mga guro,,, Maging susi sana tayo sa kanilang Magandang Pagbabago !! !