Aklat: Mahalaga nga Ba?
Post date: Mar 28, 2017 12:47:25 PM
Ni Due-Anne L. Tolentino
Ano na nga ba ang aklat? Ano ang kabuluhan nito sa bwat isa? Ang aklat ay nagsisilbing tanglaw tungo sa karunungan. Ito rin ay isa sa pinakamahalagang bagay upang matuto ang bawat isa. At dahil sa pagbabasa ay nabibigyan ang lahat ng pagkakataon na mahasa ang kanilang kaalaman at talento upang maging kapaki-pakinabang sa lipunang ginagalawan.
Naiisip mo ba kung walang mga aklat sa paaralan? Paano kaya matutuo ang mga mag-aaral? Aasa na lang ba sila sa kanilang mga guro na nakadepende rin sa aklat na ginagamit sa mga asignatura na itinuturo sa bawat mag-aaral? Aklat na papanday at huhubog sa kaisipan ng bawat tao.
Maraming mga aklat sa bawat asignatura tulad ng Science na mababasa ang ibat-ibang impormasyon tungkol sa pinagmulan ng tao at iba pang bagay na may buhay. Gayundin sa Matematiko na ginagamit ng guro upang makuha ang mga formula sa computation upang lalong maunawaan ang aralin. Ang English naman ay nagtuturo ng tamang pananalita upang matutunan ang kanilang wika.
Ang aklat ay hindi lamang isang libangan na kung saan ay binabasa kapag walang magawa ang isang tao, ito rin ay tinatawag na kaibigan ng lahat sapagkat kapag ang isang tao ay nalulungkot ay minamabuti niyang maghanap ng aklat na naglalaman ng mga “jokes”.
May kasabihan sa aklat, matutunan mo ang lahat, sa pagbasa ng aklat bubuti ang buhay mo!