KABATAAN BILANG BAHAGI NG LIPUNAN
NI: MAY C. LIMSUYANG
Teacher III - Bani Elementary SchoolDate Posted: May 15, 2019 | 11:23 AMLipunan ang isa sa lugar na dapat galawan ng tao. Bawat isa ay kabahagi ka. Kahit ano ang kalagayan mo sa buhay. Ano ang dapat mong gampanan sa lipunan?
Bilang isang mag-aaral palaging mangarap para sa ating lipunan, nararapat lamang na pagmalasakitan sa tuwina at kailanman ang ating bansang sinilangan. Palaging pag-ibayuhin iyong mga pagsunod sa bawat alituntunin ng paaralan at pamayanan.
Maging magandang ehemplo sa kapwa at sa kabataan , magandang gawi sa samahan ang dapat ipakita. Kasama na dito ang pagkakaroon ng matuwid na pananaw at matibay na paninindigan. Dahil walang puwang sa iyo ang bisyo at paggawa ng kabaluktutan na makakasira sa lipunan.
Dahil ikaw ay bahagi ng lipunan at kabilang ka. Ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan ay malaking sangkap ng pamahalaan sa katagumpayan mo at magsisilbing ehemplo lipunan na ginagalawan.
Kaya ang hamon sa kabataan, ikaw nga ba ang pag-asa ng bayan? May bahagi ng aba ako bilang kabataan sap ag-unlad at pag-angat nito?
Simpleng kabataan na sumusunod sa umiiral na batas, di – nagsisira ng kalikasan at kapaligiran at higit sa lahat kabataang may takot sa Diyos.