ACCREDITATION AND EQUIVALENCY TEST 2009
Post date: Sep 28, 2010 7:58:05 AM
Written by Mrs. Irene P. Aranas, ALS Mobile Teacher
Friday, 25 September 2009
Matapos ang ilang buwang pag-aaral, nalalapit na naman ang pagsusulit ng mga mag-aaral ng ALS, at ito ay sa darating na Oktubre 18, 2009. Bago sila nakapagparehistro para sa pagsusulit ay nagkaroon muna ng screening o qualifying test sa bawat mag-aaral. Dito ay tiningnan at sinala ang mga mag-aaral kung pwede o hindi pwedeng kumuha ng pagsusulit. Sa 301 na kumuha ng screening test 257 lamang ang pumasa at nakapagparehistro.
Upang lubos na maunawaan at maintindihan ng mga mag-aaral kung ano nga ba ang Accreditation and Equivalency Test ang mga registrants ay pinulong sa Balanga Integrated School Friendship Hall upang bigyan ng orientation na pinangunahan ng OIC to the Office of the Assistant Schools Division Superintendent- OIC, Dr. Leonardo D. Zapanta, Mrs. Flordeliza V. Tuazon, Public School District Supervisor, Mr. Ernesto T. Robles Jr., District II ALS Coordinator - OIC, at mga guro ng ALS.
Pagkatapos ng orientation, ang bawat mag-aaral ay nahikayat at nagkaroon ng lakas ng loob na makakapasa sila at iba naman ay kinakabahan at nagtatanong sa kanilang sarili kung sila ba ay makakapasa o babagsak sa darating na pagsusulit.
Ang sinuman sa mga mag-aaral na makakapasa sa pagsusulit ay bibigyan ng katibayan ng pagtatapos na nilagdaan ng Kalihim ng Departamento ng Edukasyon. Sa elementarya at sekondarya, Ang mga nakapasa ay maaaring makapagpatuloy ng pag-aaral sa mataas na paaralan o sekondarya at kolehiyo.
Sa aming mga mag-aaral GOODLUCK AND GOD BLESS sa inyong pagsusulit.