BASURA MO, KINABUKASAN KO
Post date: Dec 3, 2014 2:13:41 AM
Ni Judith P. Santiago
Teacher I- Science
CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL
I
Patuloy na pagdami ng basura sa mundo
Sa buhay natin malaking suliranin ito
Narito naman ang Material Recovery Facility
Upang solusyunan at kalinisa`y mapanatili.
II
Iwasang magtapon ng basura kahit saan
Ilagay natin sila sa tamang sisidlan
Upang maiwasan ang dumi sa kapaligiran
Ito’y makakamtan kung tayo’y magtutulungan.
III
Pagsama-samahin recyclable materials
Dry paper, empty box, card board at paper cups
Plastic cups bottles, plastic covers at wrappers
Nabibilang ito sa non-recyclable materials
IV
Mga tira-tirang pagkain sa hapag kainan natin
Pati ang school canteen waste ay isama na rin
Tuyong dahon ipunin at ating pabulukin
Sa tulong ng dumi, halaman dito ay payabungin.
V
Ito’y kaalamang hindi matatawaran
Dapat isapuso, isagawa ninuman
Ating simulan, ating pagtiyagaan
Upang buong bayan lahat makinabang