PANGARAP, NAISAKATUPARAN
NI: MAY C. LIMSUYANG
Teacher III - Bani Elementary SchoolDate Posted: May 15, 2019 | 11:03 AMBawat tao ay may mundong ginagalawan at may kanya – kanyang pangarap, na nais nating marating. Mga pangarap na nag-uudyok sa atin upang pag-ibayuhin pa ang ating mga gawain. May isang munting mag-aaral galing siya sa mahirap na angkan. Palagi siyang nangangarap na balang –araw ay magkakaroon siya ng kaunlaran. Ang adhikain na ito ay itinanim ninya sa kanyang puso at isipan. Kasama na ang panalangin at paggawa para sa pangarap ninya na makamtan.
Minsan ang araw ay ginagawang gabi at patuloy siya sa pagpupursige ng kanyang adhikain. Walang puwang ang pagod, dahil ang nais ninya ay magkaroon ng mabuting buhay, at maabot ang nais na pagsisikap. Marami siyang pagsubok na dinadaanan sa bawat araw na lumilipas, mga tinik, balakid, kasama na rin ang hindi birong pagod at puyat sa pag-aaral. Walang kaparang pagtitiis at pagtitiyaga dahil sa adhikaing nais ninyang makamit.
Dumating ang bukang liwayway sa kanyang buhay, lahat ng kanyang naranasang hirap, pagod, at hinaing ay nabigyan ng kasagutan. Ang pangarap niya ay naisakatuparan at narating ang tagumpay na minimithi!
Pangarap na minsan akala mo hindi mo maabot, kung may determinasyon ka! Dapat na mapursigihan ang pangarap na nais sa buhay, hindi hadlang ang hirap ng buhay kahit may unos o daluyong ka na nararanasan.