PINIS LAYN
Post date: Apr 24, 2018 6:25:24 AM
Jocelyn A. Bustamante
Teacher III
Bataan National High School
Paligsahan sa tagisan ng talino at ng lakas,
ay magkasamang lagi sa timpalak pampalakasan;
Marami ang may talento at maraming nakikilahok,
ngunit iilan lamang sa ebalwasyon ay lumulusot.
Sikap at tiyaga ang daan sa paglahok,
pagod, gutom, uhaw, at init dapat buo ang loob;
Edukasyo’y isasakripisyo bilang isang hamon,
Upang ipakita ang natatanging talento.
Gintong medalya… hangad na makamit,
isang inspirasyon sa paghahanap nang katuparan;
May ningning na katumbas ng dignidad ng tao,
lalo na’t sa di pansing batang may mababang grado.
May mga nagsabing manlalaro ay mangmang,
sa loob ng silid-aralan ay lagi “raw” walang alam;
Ngunit kontra dito ang dalubhasang nag-aral,
sila ay nagsasabing na may talinong taglay.
Ang medalyang ginto kapag nakamit at natanggap,
hindi matatapatan at hindi mapapantayan;
May putong na dignidad sa manlalaro at bayan,
lubos na nagniningning sa ibat ibang larangan.
Sa inyong manlalaro na may estratehiyang taglay,
sa mga paligsahan ay handang makipagtagisan;
Sambayanang saludo kaloob ng kababayan,
dahil, ikaw ang medalyang ginto na may tanging kinang.