“Bida sa likod ng Kamera”
ni Emily D. Madarang
Teacher II - T. Camacho Sr. Elementary School
Date posted: Mar. 11, 2019 | 10:06 AMTalento? Kaalaman? Punong-puno ang mga guro diyan.
Kapag guro ka, dapat marami kang kaalaman, kahit anong gawain dapat kayanin mo, iyan ang sabi nila.Marahil totoo, dahil sa propisyong pinili mo lahat pagaganahin mo,bibig,mata,kamay lalong-lalo ang isip mo.Buong katawan mo ikikilos at gagamitin mo.Dahil bata ang kaharap mo, dapat kang maging modelo,kapag kailangan maging magulang,nars,artista at kung anu-ano pa gagawin mo.Bonus na,kung bukod doon ay matalino ka at may natatanging talento pa.Dahil tiyak na hindi lang sa paaralan kundi sa mga gawaing pang “World Class” ay makakasama ka.
“Talentadong Guro”, “Trashformer”, at “Ibong Dayo” pa tiyak bibida ka.Sa mga pagkakataong ganito pagnagkaroon ng proyekto ang ating lungsod mailalabas ang lahat ng galing, tagisan ng talino lalo na sa pagdidisenyo,kailangan ang guro.Sulit naman ang pagod kung isa ka sa mananalo.
Pagdaan ng parada lahat nakanganga, sa palamuti tunay na namamangha,palakpakan at usap-usapang madidinig kung sino at kanino ang may gawa.
Lahat ay masaya sa makukulay at naggagandahang disenyo.Picture dito,picture doon,selfie dito, selfie doon.Ang tanong ng iba, sino ang gumawa sa kanila?Alam ba nila na guro ang bida sa likod ng kamera? Tama, walang iba kundi mga guro, na matitiyaga at haligaga,sa pag-aayos ng mga palamuting magbibigay kulay sa kasiyahan sa Lungsod at handang busugin ang mga mata ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Tunay ngang kapag may pagdiriwang sa ating Lungsod, tiyak nabibida ang mga guro.Nailalabas ang natatanging kakayahan at pagkamalikhain “Pang World Class” ika nga ang galing, maasahan sa lahat ng oras tunay ngang guro ang bida sa likod ng kamera.