Ang Buhay Estudyante sa mga mata ng isang Guro
ni: Raquel B. Manlapid
Teacher II - COBNHSSa walo o kadalasan ay higit pang oras akong nasa paaralan ay marami akong nasasaksihan. Sa mga estudyante na araw-araw kong nakakasalamuha at pangalawang anak.
Bilang kanilang pangalawang ina hindi maiiwasan na malaman ko ang mga kuwento sa likod ng kanilang mga ngiti. Tunay ngang mahirap maging isang estudyante, alam ko dahil ako mismo ay naranasan ko ito. Tipong pagod na sa maghapong klase at uuwi para tapusin ang mga takdang aralin. Sabayan pa ng mga “quizzes” at “long test” na kung minsan ay pa-surpresa pa kung ibigay. Mga nakakakabang “oral recitation” at “reportings” sa harap ng klase. Alam ko na lubos itong nagbibigay ng kahirapan sa mga estudyante. Wala na silang oras kahit man lang sa pag-aalaga sa kanilang sarili tulad ng pagkain, paglilibang maging sa pagtulog. Dahil dito naapektuhan na rin ang kanilang kalusugan. Ang hindi alam ng karamihan hindi lang ito ang kanilang kinakaharap.
Ang mga problema pa sa labas ng paaralan. Problema sa pamilya, pinansiyal, pang-bubully ng kanilang mga kamag-aral at marami pang iba. May iba rin na isa ring manggagawa at hindi lamang estudyante. Pinag-sasabay nila ang dalawang gawain na mahirap gampanan. Kulang na lang ay hatiin nila ang sarili sa dalawa. Kung iisipin ay mahirap itong harapin ng isang bata o isang estudyate pa lamang. Estudyante pa lang sila, “estudyante” ibig sabihin sila ay kasalukuyan pa lamang natututo o nag-aaral. Nag-aaral ng mga dapat nilang malaman hindi lamang ang mga bagay na nasa libro o “curriculum” pati na rin ang mga bagay na dapat nilang malaman sa buhay.
Nakakahanga naman ang mga estudyanteng aking nasasaksihan ang kanilang mga tagumpay sa buhay sa kabila ng hirap na dinanas. Sila ang ilang sa karamihan ng mga estudyanteng patuloy na lumalaban sa buhay at uhaw pa rin sa karunungan.
Bilang isang guro, masarap sa pakiramdam na naging bahagi tayo ng kanilang paglalakbay patungo sa tagumpay ng kanilang mga pangarap. Kung minsan sila’y pinahirapan sa mga quizzes, activity, long test, oral recitation at mahahabang assignments. Naintindihan naman nila na para rin sa kanila ang mga pinapagawa ng mga guro. Dito sila nahubog upang mas maging produktibo at mas mahusay sa paghahati ng kanilang oras. Bumabalik sila para magpasalamat at tumanaw ng utang na loob na kung tutuusin ay hindi naman kinakailangan dahil ginawa ko lang ang aking tungkulin bilang guro. Ang mga estudyanteng ito ngayon ang magiging produkto ng ating mga paaralan at magsisilbi sa bayan. Sila ang kinabukasan ng ating bansa at mga mamumuno sa hinaharap. Pero bago mangyari ito kailangan muna nilang maging estudyante at harapin ang mga pagsubok para ihanda sila sa tunay na mundo kung saan mas malalaking alon ang kanilang haharapin. Ay! Buhay nga ng estudyante sa mata ng guro!