Matuwa’t Magalit si Teacher
Post date: Aug 11, 2017 3:30:22 AM
Ni Nerissa D. De Jesus, MT-I
Bataan National High School
“Natutuwa akong makita kang muli Audrey, buti naman at pumasok ka na , tama ang desisyon mong pumasok at magtapos ng iyong pag-aaral.” Ang sabi ng guro sa kanyang estudyante na matagal nang hinimok na bumalik sa kanyang klase,
“ Matalino ang batang ito, kailangan niya ang gabay ko kung magulo ang kanilang pamilya” Ito ang pahayag ng guro sa kanyang mag-aaral kung nakikitaan ng potensyal at may pag-asang makaahon sa kahirapan.
Pero kung minsan…
“ Aba ! Si Juan nabuhay ! At sino ang may sabi sa iyo, na pwede pa kitang tanggapin sa klase! Hala,labas !
Ang kawawang bata, gusto na niyang pumasok pero ayaw na siyang tanggapin ng kanyang guro .
Normal sa tao ang makadama ng iba’t ibang damdamin sa isang sitwasyon, pero kailangan marunong tayong magkontrol sa kung ano ang ating nararamdaman, dahil kung hindi , baka kung ano ang ating kahahatungan.
Hindi mo masisisi si Teacher na kung minsan galit na galit siya o minsan nama’y tuwang tuwa naman siya.
Maraming bagay sa isang guro ang kanyang ikinasisiya,gayundin din naman na mayroong tayong di ikinasisiya na mga ilang bagay.
Unahin natin ang mga kinatutuwaan niya, tingnan ko naman kung agree kayo ha ?
Mga Nakakatuwa kay Teacher .
a. Malinis ang classroom, magaan sa pakiramdam kasi pag malinis ang paligid di ba ?
b. May mababait at magagalang na mag-aaral , iba kasi pag ganito ang estudyante mo, may feeling kang respetado , ganyan tayo noon sa mga teacher’s natin di ba ? Sana kahit di nila teacher, ginagalang nila.
c. Masipag mag-aral ang mga estudyante, (para di na Home Visit si Teacher)
d. Sweet ang mga estudyante niya, (Tuwing birthday may surprise !)
e. Damang-dama mo na mahal ka ng advisory mo, siguro naman na feel din nila na mahal sila ng teacher nila di ba ?
f. Hindi nag ka cutting ang mga estudyante kahit last period ka . Uso kaya yan sa mga estudyante na pagkaisahan ang teacher.
g. Hindi tumitingin sa kalagayan sa buhay ang mga estudyante, lahat kaibigan nila .
h. Laging present ang mga estudyante sa klase niya.
i. Nasisiyahan si teacher kapag kino correct siya sa maling pahayag na nasabi niya, ibig sabihin lang na nakikinig sa kanya ang mga estudyante ,oh di ba ! Nakakatuwa yun.
j. Nagsasabi sila kung sino sino ang masisipag na guro, swerte mo at nakasama ka doon !
k. Binabaik-balikan ka kahit graduate na sila.
l. Yung iba na ginawa kang inspirasyon at nag TEACHER ! Bongga di ba ?
Agree ba kayo o hindi o kulang pa mga nakakatuwa sa inyo ? I share n’yo rin.
Pero kung teacher ka, di ka laging nakangiti. Minsan Beast Mode din . Bakit kaya ? Halika , basahin mo at tingnan ko kung sang-ayon kayo sa akin.
Mga Nakakainis kay Teacher
a. Late ang estudyante ! Lalo sa first period, darating na parang di sila late , tapos nagagalit ang magulang kung mababa ang grades o bagsak .
b. Sumasagot nang pabalang kay teacher kapag nababati ang di magandang gawi niya,kala mo ka-edad ang kausap , teacher nga kasi tayo , kailangan nga silang gabayan , dapat matakot sila kung di na makikialam si teacher sa kanila di ba ?
c. Nahuli mo nang nangongopya , deny to death pa ! Galit pa ha .
d. Pag nakasalubong ka nagtatanong pa : Teacher, may pasok po ? Pumasok pa, ayaw palang magklase .
e. Pag pinaglalabas ng papel, Okey Class, get ½ sheet of paper, may magtatanong agad , Teacher, ½ po ? (Di nakikinig kay teacher )
f. Ginagawang ulyanin si teacher, pag may pinadadala si teacher , kinabukasan . “Wala po kayong sinasabi teacher, wala po kaming dala !
g. Naiinis si teacher sa mga grade conscious pero tamad naman , ang iba naman , pala kopya .
h. Nagpopost sa Facebook at Tweeter na nagagalit kay teacher, walang paggalang, lalo na kung panahon ng clearance .
i. Sa mga umiiyak na magulang, na March nang makipagkita kay teacher , samantalang matagal na silang pinatawag.
j. Minsan sa mga kapwa teacher din naiinis, dahil di makapagpasa on time ng grades .
k. Si Head , bigla biglang mag-oobserve, nakakakaba kaya di ba ?
Sa lahat nang nabanggit, di naman tayo dapat paapekto, mas marami pa tayong haharapin na maganda sa ating buhay na mas makapagpapasya pa sa ating buhay, maging handa ang ating puso sa mga pagsubok na kahaharapin pa natin , paulit –ulit itong karanasan ng mga mas nakatatandang guro kaysa sa atin, at pansinin ninyo sila, hindi sila mukhang matanda, mas mukhang bata pa sila dahil tiningnan nila ang lahat na ito sa anggulong mas maganda o challenge sa kanilang pagiging guro.
Ang paghandaan natin ay kung paano matatapos ang ating misyon bilang isang guro ,na pinagkatiwala sa atin ng ating Panginoon na gabayan ang mga kabataang ito.
Pinili Niya tayo , dahil alam Niya na kaya natin silang gabayan tulad ng kanilang mga tunay na Magulang .
Kaya matuwa’t magalit si Teacher ,ito ay isa lamang patunay na magandang karanasan bilang isang tunay na guro .