Ano ang nagawa ng ALS sa buhay ko?
Post date: Sep 28, 2010 7:14:07 AM
Written by Jose Dasig
Monday, 05 May 2008
ALS changed her life.
Kyyie had stopped studying for four years before she came to ALS class in 2006. Now she studies in Practical-Nursing Course after having passed A&E Test 2007.
KYYIE TRNIDADPasser of A&E 2007
Ako ay isang batang hindi nakatapos sa sekondarya. Wala akong ginawa kundi gumala,makipagbarkada pumunta sa kung saan-saan hanggang dumating ang panahon na may isang guro na umakit sa aming barangay. Nangangalap siya ng mga kabataang hindi nakatapos ng pag-aaral sa elementarya at sekondarya. Isa ako sa nagkaroon ng interes. Si nabi ko sa aking sarili na ito ang pagkakataon upang matupad ko ang isa sa pinakamimithi ko sa buhay, ang magkaroon ng diploma sa sekandarya upang makapagtapos ako ng kursong makatutulong sa aking kinabukasan.
Sa pamamagitan ng aming gurong si G. Ernesto Robles ay lalo kong naunawaan ang naitutulong ng ALS sa mga di-nakatapos ng pag-aaral na tulad ko. Dito ko rin nakilala si Allan at Noemi na laging nagpapatawa at nagpapasaya sa aming klase. Si Carl na walang ginawa kundi biruin at pasayahin ako. Nandiyan din sina Joseph, Michelle, Rachelle, Jonalyn, Ulo, at marami pang iba. Sobrang saya ng mga oras ko kasama sila. Si Sir Dennis,Maam Susan, Maam Alma, Maam Irene at Sir Jimmy kaya swerte kami sa pagkakaroon ng mga gurong katulad nila lalung-lalo na si Sir Robles,the best yan,mabait pa.
Lalo akong naging masaya ng magsimulang pumasok si Ms. Masae Iijima sa aming klase. Nagtuturo siya ng Math grabe ang galing niya. Sa isang minuto lang nasasagot niya ang 50 tanong sa math,bilib talaga ako. Ang damdamin ko talagang natutunan sa ALS. Napakaraming pagbabago sa buhay ko mula ng pumasok ako ng ALS. Nabago nito ang mga pananaw at paniniwala ko sa buhay. Akala ko pagkatapos kong makapasa ay tapos na. Hindi pala,dahil ito pala ang simula ng malaking pagbabago sa aking buhay. Ito ang nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa,upang harapin ang mga pagsubok sa aking buhay.
Sa kasakukuyan ako ay nag-aaral ng Practical Nursing sa Proclesia International Inc. Kaya ang maipapayo ko sa mga kabataan katulad ko na hindi nakatapos ng sekondarya. Huwag kayong mawawalawn ng pag-asa nariyan ang ALS sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon handang tumulong sa atin. Magsimula na kayong mangarap at magsumikap, ngunit higit sa lahat huwag ninyong kalilimutang tumawag at humingi ng tuloy sa Panginoon, pagkat walang imposible sa kanyna. O,ano pang hinihintay ninyo. Ngayon ito ako, lubos na nagpapasalamat sa tulong at pagkakataon na ibinigay ng ALS sa akin.