Gabi ng DepED
Post date: Sep 28, 2010 8:02:08 AM
Written by Armando Capili, Principal I - E. Bernabe ES
Monday, 11 January 2010
Balanga: Kasaysayan at Kultura
Sa pagdiriwang ng Paskong Balangueno 2009 at ng ika-9 na anibersayo ng pagkatatag ng Lungsod ng Balanga inihandog ng Kagawaran ng Edukasyon ang isang gabi ng makabuluhang kasaysayan at natatagning kultura ng mga barangay ng bumubuo sa lungsod. Tampok sa pagtatanghal ang mga malikhain ngunit nakakaaliw na presentasyon ng bawat paaaralan na may tuwirang pagtalakay sa malalim na kasaysayan at sa mga pangyayari na kung saan nagmula ang panganlan ng bawat barangay.
Sa pagsisimula ng palatuntunan ay ipinamalas ng mga taga-City of Balanga High School ang isang interpretative dance na nagpapakita ng pinagmulan ng pangalan ng lungsod. Sinundan ito ng pagtatanghal ng mga paaralan na kung saan ang pangalan ng kanilang mga barangay ay nagmula sa alamat. Labis nilang naaliw ang mga manonood sa interpretative dance ng Cabog-Cabog, Malabia at Talisay. Samantlang ang Cupang ay inaliw naman ang mga panauhin sa isang tableau at ang Tortugas ay ipinamalas ng isang stage play.
Ang mga paaralan namang nagmula ang pangalan ng kanilang mga lugar sa pangalan ng tao, pinangunahan ng St. Jospeh CDC Inc. ang pagtatanghal ng isang hand mime na pumatungkol sa isang ina na tulad ni Dona Francisca. Labis na umatig sa damdamin ng bawat isa lalo na sa mga ina ang kanilang presentasyon sa saliw ng tugtuging “Ugoy ng Duyan”. Lahat ay labis na humanga habang sila ay nagpapahid ng mga luha. Ang Puerto Rivas ay naghandog ng isang dance drama na halaw sa isang yugto nang kapanahunan ng Kastila. Ang Tomas Del Rosario College ay naghandog ng isang black lights presentation. Samtalang pinasaya ng Cataning ang mga panauhin sa kanilang comedy skit. Sabayang pagbigkas ng kasaysayan ni Teodoro Camacho ang inihandog ng mga taga T. Camacho Elementary School, at ang mga taga Central ay nagbigay ng isang interpretative dance.
Di naman nagpahuli ang mga paaralan na nagmula sa mga lugar na halaw ang pangalan sa kultura at tradiyson. Ipinamalas ng Sibican sa pamamagitan ng isang interpretative dance na sila ang tagagawa ng mga pangunahing sasakyang pandagat. Ipinakita ng mga taga Tanato Elementary School ang isang makulay na katutubong sayaw. Ang Batangas, Tenejero at Dangcol ay ibinahagi ang mayamang kasysayan at kultura sa pamamagitan ng musika at interpretative dance.
Ipinamalas ng mga taga Poblacion ang kanilang husay sa sabayang pagbigkas. Ibinahagi ng mga taga APCAS ang kasaysayanng Barangay Ibayo sa pamamagitan ng isang theater drama. Ang mga taga Bataan ACES ang naghandog ng isang Pantomine upang itanghal ang kultura ng Bagong Bayan at ang Tuyo at ang Bagong Silang ay naghatid ng kanilang makasaysayang interpretative dance.
Ang tatlong oras na palatuntunan ay naging makabuluhan dahil naghatid ito ng mayamang impormasyon at kaalaman sa mga Balangueno bukod pa sa hatid nitong saya at aliw.