Paglilingkod na Walang Pasubali
ni: Patricia B. Dizon
Date posted: March 26, 2020 | 2:05 PM“Bilang isang kawani ng gobyerno tungkulin ko ang maglingkod nang buong katapatan”, ito ang aking sinumpaan at sinasambit tuwing araw ng Lunes sa flag ceremony.
Ngayon ko lubusan ng naunawaan ang kahalagahan ng isang kawani ng gobyerno ,isang mangagawang tunay na dapat maglingkod sa kabila ng krisis na pinagdaraanan natin sa ngayon .Ang manatili sa bahay ,bawal lumabas dahil “locked down”ang komunidad ngunit nasaan ako?Narito ako sa opisina pumapasok dahil kailangan ang serbisyong pampubliko.
Gagawin ang pinakaimportante sa lahat ang pinansiyal na usapin.Dapat hindi maantala ang suweldo at benipisyo ng bawat kawani lalo na panahon ng krisis na ito.Kailangan matanggap ng bawat kawani ang nararapat na tanggapin nila dahil ito ang dapat kong gawin upang maibsan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.Sa ganitong paraan man lang maibigay ko ang aking paglilingkod ng walang pasubali.Kahit walang materyal na tulong subalit buong pusong paglilingkod,hindi alintana ang sakuna at sakit na maaaring dapuan ako basta ang sa akin ang magserbisyong may puso alang-alang sa aking kapwa at sa aking bayan.