POSITIBONG PAG-IISIP

Novina R. Ruales

T-III - T. Camacho Sr. E.S.

Date posted: Mar. 22, 2019 | 8:22 AM

Ang pagkapanalo ni Ms. Universe Catriona Gray ay dahil sa pagkakaroon niya ng positibo pag-iisip. Madalas ang mga nananalo sa mga patimpalak ay mayroon positibong pag-iisip. At madami din ang nagsasabi na uunlad ang isang tao kapag siya ay may ugaling positibong pag-iisip.

Ano nga ba ang positibong pag-iisip? Saan at paano ito ginagamit upang umunlad? Kailan at kanino ito maaaring kumuha na kalimitang itinatanong sa ating mga sarili? Bakit ito nagiging ugat upang makamit ang tagumpay? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili?

Ang positibong pag-iisip ay isang pag-uugali kung saan ginagawang positibo ang mga nangyayari o di man ay biglaang nagaganap sa bawat sitwasyon, malawak na pananaw at pang-unawa sa buhay at pinanghahawakang magandang disposisyon sa buhay. Inaalis ang mga negatibong nararamdaman at naiisip tulad ng galit o sama ng loob. Ngumiti ng taos sa puso lalo na sa mga taong naiinis nagagalit, o gumagawa ng hindi maganda.

Ang bawat negatibong nakikita at naririnig o hindi man ay ibinabato ay dapat na unawaing mabuti masakit man sa kalooban. Ang bawat negatibong enerhiya na kadalasan ay ipinapasok sa puso at isip ay malaki ang epekto upang maapektuhan ang sarili lalong lalo na ang tagumpay na minimithi o kaunlarang hinahangad. Ang pagiging kalmado at marahan sa bawat salitang bibitawan o hindi magandang sitwasyon na kadalasang nararanasan ng isang guro ay malaki ang naidudulot upang maintindihan kung bakit ito nagaganap o di man ay nararanasan.

Kung maililipat o maisasalin sa isang mas malawak at mapang-unawang pag-iisip ang bawat negatibong enerhiya, ay magiging sanhi upang magkaroon ng positibong pag-iisip. Ang pagkakaroon ng isang positibong pag-iisip ay isang katangiang dapat na taglay-taglay ng isang mahusay ng guro upang makamit ang tagumpay na hinahangad lalong-lalo na sa ganitong klase ng propesyon. Sabi nga sa isang kasabihan na pag may at tiyaga, may nilaga. Na kung may positibong pananaw siguradong magkakaroon ng kaunlaran at tagumpay na minimithi.