PAARALAN, IKALAWANG TAHANAN

NI: may c. limsuyang

Teacher III - Bani Elementary SchoolDate Posted: May 15, 2019 | 11:13 AM

Paaralan, bakit nga ba ito tinatawag na pangalawang tahanan? Di ng aba ang tahanan ang siyang nagsisilbing silungan o kanlungan. Mapainit o mapalamig man ang ating nararamdaman. Sa tahananan mararanasan natin ang kaginhawaan at kapayapaan. Lalo na kasama natin ang ating pamilya na nagmamahalan at may kapayapaan.

Kung kaya sa pagpasok natin sa ating paaralan, dapat ito ang maranasan ng mga mag-aaral. Ituturing nilang pangalawang tahanan, mga guro ang tumatayong magulang na gagabay sa mga bata at mga kaklase ang magsisilbing kapatid.

Gaya ng isang tahanan na inuuwian, nararapat lamang na ingatan natin at alagaan ito, ayusin at sinupin. Tumulong at makiisa sa mga proyekto na nakakatulong sa kaunlaran, para patuloy na mapanatili ang kaayusan.

Maraming mag-aaral ang umaasa ditto, kaya sa bawat pagpasok nandon ang kakaibang saya, handang matuto sa pagsulat, pagbilang at pagbasa. Habang binubuo nila ang kanilang pangarap na punong- puno ng pag-asa.

Sa paaralan dapat mabuo o madama ng isang mag-aaral ang tunay na pagmamahalan na hindi nila nararanasan minsan sa tahanan. Mas mahaba ang oras na ginugugol ng bata sa paaralan kaysa sa tahanan. Kaya kung iisipin ng bawat guro ang paaralan, ang magsisilbing ikalawang tahanan na buo ang pamilya, kasama ang komunidad at pamahalaan na huhubog sa pagkatao ng isang bata.