Katuwang
Francis D. Labansa,
Administrative Assistant II
May malaki at malawak na nasasakupan ang isang kagawaran kung kaya kaakibat nito ang pagkakaroon ng malaking obligasyon sa ating komunidad at bansa .Ang responsibilidad natin bilang kawani ay nakasasalalay sa ating mga guro,mag-aaral at mamamayan ayon sa hinihinging reports .Dahil malawak ang nasasakupan ng kagawaran, maraming programa at trabaho ang nakalatag sa bawat opisyales at manggagawa kung kaya hindi dapat mawala ang katuwang.
Ang pagkakaroon ng katuwang sa trabaho ay isang malaking kaginhawahan sa isang kagawaran dahil hindi biro ang trabaho na inaatang sa bawat empleyado upang mapatupad o maisakatuparan ang mga proyekto. May mga pagkakataon na may mga programang kailangang ipatupad at importante para sa guro at mag-aaral lalo na kung may kinalaman sa maka bagong teknolohiya at pamamaraan ng paggawa.
Kung minsan hindi maiiwasan na may makikita tayong di – kagandahan ang pag-uugali sa ating mga katuwang sa trabaho ,marahil dala na rin sa dami ng mga gawain na dapat ng ipasa o kaya nasa duedate na kung kaya nakapagpapakita ng di -inaasahang asal na hindi sinasadya. Sa ganitong sitwasyon dapat bukas ang ating isipan at ipagpasalamat na mayroon tayong katuwang sa trabaho dahil mas produktibo at mapapaayos ang lahat ng bagay kung may kaagapay upang matapos sa oras ang gawain nang maayos.
Lagi na lamang ipagpasalamat na may marangal tayong trabaho ,may katuwang tayo sa lahat ng oras na kailangan ang tulong at pagbutihin pa ang trabaho upang lalo pang umunlad ang ating kakayahan bilang empleyado.Isipin lagi na ang lahat ng ginagawa ay para sa kaunlaran ng kagawarang pinaglilingkuran at sa sarili upang lalo pang lumago ang pagkatao ,higit sa lahat sa Diyos na gumagabay sa atin.