MENSAHE NG PAGTATAPOS NI DR. CAROLINA S. VIOLETA

Post date: Mar 17, 2016 7:36:04 AM

“Kabataang mula sa K - 12, tagapagdala ng kaunlaran sa Bansang Pilipinas”, ito ang paksa na huhubog sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayon taon ng panunuran 2015-2016.

Patuloy ang pangarap natin para sa pag-unlad ng bansang Pilipinas lalo’t higit sa kalidad ng edukasyon. Isulong ang programa ng k -12 para sa mga batang may dangal na kayang sugpuin ang anumang balakid na kinakaharap.

Hamon sa bawat isa lalo na sa batang magsisipagtapos na kamtin ang pangarap! Pangarap na kayang isakatuparan hindi lamang sa salita kung hindi pati sa gawa na may kaakibat na pagmamahal sa bayan.

Ang bawat isa sa inyo mga mag-aaral ang siyang magiging susi sa ikatatagumpay ng bansa natin. Mahubog ang pagkatao na maging marangal, masipag, maipagmamalaki at kayang makipagsabayan sa buong mundo at higit sa lahat, mag-aaral na may takot sa Diyos.

Mga, mag-aaral kayo ang pag-asa ng bansa, nasa kamay ninyo ang pagpapatuloy ng kaunlaran na ating tinatamasa ngayon, bukas at sa darating pang panahon. Edukasyong nakamtan nawa’y magsilbing sandata sa mga pagsubok ng buhay.

Mabuhay at Maligayang Pagtatapos.

Dr. Carolina S. Violeta

Officer-in-Charge

Office of the Schools Division Superintendent