Latest News‎ > ‎

MAGKASALUNGAT

posted May 20, 2018, 6:23 PM by Web Administrator

BY

Camille P. Tipay

Teacher- I

Bataan National High School

 

Sa mga ispeling humihina,

Sa pagpopost ng kung anu-ano sa timeline bonggang-bongga.

 

Agad-agad sumasama sa galaan,

Subalit pagdating sa pagrerebyu ng aralin kinatatamaran.

 

Aktibong-aktibo kapag pag-ibig ang tinatalakay

Ngunit kapag walang kinalaman matamlay na matamlay.

 

Kapag nagkamali’y pinapatawad

Pero kapag ang guro sa ahensya agad.

 

Gustung-gusto nang mataas na marka

Subalit hindi naman nag-aaral ng mga asignatura.

 

Kapag mataas ang grado’y mabait ang guro,

Kapag mababa nama’y halos isumpa na nang todo-todo.

 

Mga mag-aaral na ganito ay dumadami na,

Subalit ‘wag na ‘wag kang tumulad sa kanila.

Mabuti nang naiiba

Kaysa gumagawa ng masama.

 

Piliin lagi ang kabutihan

Para naman suklian ka ng kalangitan

Dahil sa taglay mong kabanalan.

Comments