Latest News‎ > ‎

Ina ng mga Mamamahayag

posted Nov 5, 2015, 10:46 PM by Web Administrator

ni Nerissa D. De Jesus 
MT-I 
Bataan National High School

 

            “Tila ba tadhana na ang naglapit sa akin , sa mga mag-aaral na itinuturing kong pangalawang anak sa paaralan. Mga kabataang  nag-uumapaw sa kagustuhang matuto at maipakita ang abilidad . Gutom sa pagsulat ng artikulo , gamit  ang kanilang pluma. Mga journalist na nagbigay inspirasyon sa akin,upang pasukin ko at mahalin ko ang mundo ng pamamahayag.”

            Si Kim, estudyante ko sa Grade 10, tahimik. Malalim kung mag-isip. Nakitaan ko ng potensyal sa pagsulat. Sumulat siya sa kapirasong papel, “Sa mundo ng panitikan at pamamahayag  nakilala ko ang aking sarili”  simple pero may pitik sa puso. Kinausap ko siya,” ang ganda ng sinulat mo Kim “ Naaninag ko ang kanyang pagkabigla. Ako lang daw ang unang guro na pumansin sa kanya”. “Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?”. Nangiti siya. Lumakad palayo sa akin. Nakaramdam ako ng paghanga sa kanya. Nasabi kong “nakatuklas  muli ako ng isang binhi”.

            Sa buhay school paper adviser, layunin  kong tumuklas at maghatid ng kaalaman sa mga mag-aaral na manunulat. Gabihin  man sa trabaho , mahirapan at  ma-stress, ayos lang, matapos lang ang diyaryo  sa  deadline… Deadline ! Kulang pa ako  ng artikulo, pagod na rin ang Editor-In-Chief, . Tulad ko,wala siyang kapaguran. Hindi ko  narinig  na umangal , lagi kaming sabay  sa pag-uwi. Napadaan kami  sa isang barung- barong. May dalagitang nakatingin  sa  akin, nakangiti,  “Ma’am , gabi na  po  kayo” sabi  ni Kim. “Oo may tinatapos  kami”.  “Diyaryo po Ma’am ? maaari po bang sabayan ko kayong lagi sa pag uwi at… maging parte na rin ng publication?” nahihiya pang sabi  ni Kim, “Bukas punta ka sa akin, may ipapagawa  ako  sa iyo”. May kislap  ang  kanyang mga mata sa narinig mula sa akin.  Alam ko madaragdagan  ang mga manunulat sa aming paaralan, kay sarap ng pakiramdam.

            Sa dalas ng  gabing pag-uwi, may kinakaharap ding problema sa bahay,  may tampo  ang tinig ni bunso, “Nay gabi  ka na naman “. Tahimik  naman si Tatay, magkahalong inis at tampo sa dalas na gabing pag-uwi matapos lang  ang diyaryo . Pero alam ko , nadarama ko, batid niya  ang responsibilidad  ng isang school paper adviser, kaya walang masamang salita akong naririnig sa kanya. Ang training na apat na araw  , sanay na sila. Kahit wala ako,

             Mahirap ang buhay ng isang ina ng mga mamamahayag. Masarap, dahil nakatutuklas ka ng bagong binhi na maghahatid nang magandang bunga sa iyong paaralan at kabataan. Sana dumami pa silang mga mag-aaral ng panitikan, dumami pa tayong mga guro ng mga Mamamahayag….. Ina ng mga Mamamahayag.  Ikaw? Kasama ka ba namin ?

 

Comments