Latest News‎ > ‎

Bataan National High School Sa “PinoyHenyo” Eat Bulaga

posted Mar 23, 2015, 11:59 PM by Web Administrator   [ updated Mar 24, 2015, 12:06 AM ]
Ni: Edryll R. Contreras

Teacher I, Bataan National High School


 

Naging laman ng pananghalian sa Programang GMA 7 na Eat Bulaga noong Sabado, Marso 7, 2015 sina Erald Enriquez mula sa IV-Diamond at Marc Oliver Canillas ng VIII-Narra na kalahok sa Pinoy Henyong Eat Bulaga ang dalawampu’t tatlong mag-aaral na lumahok naman sa sayawan ng naturang programa. Ang mga mag-aaral na mulasa Bataan National High School ay ginabayan nina Gng. Sharon L. Dela Cruz ng Kagawaran ng Filipino at G. Edryll R. Contreras ngKagawaran ng Araling Panlipunan. Nagbunga ang mahigpit na pagsasanay ng mga kalahok matapos na maging kampyon ang mga mag-aaral na lumahok sa pagalingan ng pagsayaw ng samantalang nakasungkit naman ng Ikalawang Pwesto ang mga kalahok sa pautakan na PinoyHenyo.

Pinamalas ng bawat mag-aaralang kanilang kahusayan sa pagsayaw sa pamumuno at paggabay ng kanilang Coach nasi Ginoong Jonathan B. Baldeo. Sang-ayon sa pamunuan ng Eat Bulaga, ang mga nagwaging mag-aaral sa sayawan ay babalik sa buwanng Abril upang muling sumabak at magpakita ng muling kahusayan sa pagsayaw. 

Comments