Latest News‎ > ‎

ANG PAGKAIN NG MGA GURO

posted Nov 5, 2015, 10:41 PM by Web Administrator

Ni Nerissa D. De Jesus 
MT-I 
BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

 

            Pagkain. Isang salita subalit milyon na ang katumbas. Pagkain.,salitang tila mundong iniikutan ng madla.

. Kung walang pagkain,  walang sigla ang ating  katawan, nakikita at nadarama mo ito  kung ang  isang tao  ay  kulang sa sustansya. Nanlalambot, Malamya. Walang gana.

            Bilang isang guro, hindi kami humaharap na kumakalam ang aming mga sikmura sa aming mga mag-aaral, mahahalata ka, mapagkakamalang  hindi ka  handa sa aralin, “mukhang maysakit si titser !” Sa pagkain kumukuha ng lakas sa mapaghamong pagtuturo sa paaralan. Anu-ano nga ba ang paboritong pagkain  ni titser sa araw-araw? Halika ! samahan nyo akong tuklasin !

Almusal

a. Itlog-  Madaling iluto, pwedeng palaman sa  pandesal, kasama ng  hotdog o corned beef. 

               Masustansya,mayaman sa  protina at  calcium  . Kailangan ito ng mga guro ,

               upang tumagal sa maghapong pagtuturo. Tulad ng  itlog , ang guro ,              

                kailangang   lagi siyang kasama ng kanyang mga mag-aaral, masarap siyang    

               kasama, masarap kapartner at maging   kaibigan.

b. Kanin- Mas mainam kung kumain  ng kanin o sinangag si Ma’am o si Sir sa umaga,

    Bakit ? Dahil kailangan  niya ng pagkaing nagbibigay init at lakas sa katawan.

   Ikaw ba naman ang humarap sa kulang 300 estudyante maghapon,  lasog  ka  na 

   pag-uwi mo. Tulad ng kanin, ang guro ay nagbibigay init sa mga  mag-aaral na

   magpursige sa kanilang pag-aaral .

c. Tuyo-Ang hamon ng mga Pilipino. Masarap na pang-almusal , isawsaw mo pa sa     

           kamatis ! Makakalimutan mo na nag rereduce ka ! Maalat ! Pero mayaman sa

 

protina. Tulad ng tuyo ,  ang guro,  dapat nagbibigay alat  sa mga mag-aaral ,siya

 ang    nagpapaalala sa buhay na pinahiram sa atin ng ating Panginoon, kaya dapat

na pahalagahan at gamitin nang wasto upang maging kapaki-pakinabang. 

 

d. Kape o gatas- Masarap  na kape ! Uso na ang instant coffee ! Pag walang kape sa

                            almusal parang kulang ang buhay. Tulad ng kape, ang guro, instant ina sa

                            kanyang mga mag-aaral  ,  naniniwala sa lahat ng sasabihin. Kaya ,

                           maging maingat sa mga binibitawang salita sa harap nila.

Pananghalian

a. Sinigang – Masustansyang pananghalian dahil two in 1 dish  . Masarap na kilig asim !.

                      Karne o isda pa ang  pwede mong isigang! Madali  ring iluto, isalang mo lang

                      magagawa mo pa ang ibang gawain sa bahay.  Tulad  ng sinigang ,ang guro ay

                      dapat nagpapakilig sa kanyang mga mag-aaral, patunayan na  kayang kaya

                      ang     sinumpaang trabaho kahit nagkakaedad na !  Si Ma’am may asim pa !

 

b. Ampalaya- Masarap kahit may pait ! Magandang pampababa ng sugar ng katawan,

                        pampaganda ng daloy ng dugo dahil sa   makukulit na mag-aaral . Ang

 ampalaya tulad ng guro, hindi madaling harapin ang mga mag-aaral,

maaari maging    mitsa ng buhay ang kakulitan o kapilyuhan ng mga

estudyante.

Ampalaya ding maituturing kung ang isang guro, ay    hindi napapansin ang

kahusayan niya sa  pagtuturo, dahil mayroong tinitingnan sa tinititigan! 

Ampalaya din ang                  buhay ng mga guro sa hirap buhay , andiyan

sila na tagapagpalwal sa mga singilin  sa mga estudyante, kahit maliit ang      

sahod , nandiyan din ang mga guro na nagbibigay ng baon o pagkain sa

kanyang mga mag-aaral, mahirap man ang     buhay pero masarap makita

ang mga mag-aaral na patuloy sa kanilang pag-aaral.

 

c. Menudo- Sama samang sahog  na may sarsa ! Tiyak napapa hmm…sarap! Masustansya

                   at klik sa masa !  Ang menudo, tulad       ng guro, swak sa mga mag-aaral,

                  masarsa o malasa sa mga pagbibigay ng mga kaalaman, di lamang sa kanya- 

                  kanyang asignatura gayundin sa  pagharap ng mapanghamong buhay  !

 

Hapunan  

a. Adobo-  Lutong Pinoy! Paborito ng lahat ! Mapa ibayong dagat  man , linamnam ng

                  adobong baboy o manok  ang hanap !

     Ang  adobo ,tulad ng guro ,   tagapaghasik  sa isipan at damdamin na dapat

     mahalin at magmalasakit sa Inang Bayan !

 

b. Sinigang sa Bayabas (Sapsap)-   Swak na swak ang sabaw na masarap sa katawang  pagal    ni Ma’am at Sir ! Abot kayang sarap   sa presyong iyong  hanap !

                    Tulad ng sapsap , ang guro, ay simple lamang, di naghahangad  ng  ano pa man ,kundi maghatid ng kabutihan at maging modelo ng kabataan !

 

Panghimagas

Minatamis na saging- Sa sarap at sustansya di pahuhuli , saging na saba aba’y paborito ng balana .

Ang minatamis na saging ,    tulad ng guro ay nagpapangiti sa kanyang mga mag-aaral na sa kabila ng mga hinaing ay nariyan siya at inspirasyon sa  iba.

Leche Flan- Anumang okasyon ay laging naroroon, sa pinahalong gatas at itlog sa lasa ay kampiyon ! Sa kremang sarap ,tiyak number 1 ang sarap  !

     Ang leche flan ,tulad ng guro, laging naroon siya sa kanyang trabaho, hindi umuurong, lumalaban at gustong manguna ang kanyang mga mag-aaral .  

 

Mansanas o Saging- May kasabihan nga sa ingles  “An Apple a Day o Banana a Day makes the Doctor’s Away !”  Ang guro tulad ng mansanas at saging , bawal magkasakit ! Iniisip ang kapakanan ng kanyang mga estudyante, baka mapahamak  sila  kung wala siya  sa klase.

            Marami pang paboritong ulam si Ma’am at Sir, kailangan nila  ang masustansyang pagkain  sa pagharap sa kanilang trabaho at paboritong mga mag-aaral na umaasa sa kanilang magandang pananaw sa buhay !  Sana  makalikha pa ng maraming resipi para sa magandang kalusugan nila Ma’am. Nawa ang pagkain na iyon ay pahabain pa ang kanilang buhay  at  maging inspirasyon pa sa ibang mga mag-aaral.  

Comments