Latest News‎ > ‎

A & E Test 2008 successfully conducted

posted Sep 28, 2010, 12:11 AM by Unknown user
Written by Doodz   
Monday, 05 May 2008
Ang mga estudyante  ng mga Alternative Learning System (ALS) ay nanguha ng unang pagsusulit noong Pebrero 17,2008. Sa Balanga Integrated School. Nagsimula ng 8:00a.m, at natapos ng 12:30p.m.
 
Ang lahat ng estudyante ay kinakabahan ng umagang iyon, pero masaya kami dahil makakakuha kami ng Test at sa wakas matatapos  na ang aming paghihintay. Pinapasok na kami ng mga guro para magsimula na. Ang lahat ng estudyante na kakuha ng pagsusulit ay umabot sa 195 at 17 walk-in, mayroon din pitong kwarto, sa bawat isang kwarto ay may 30 estudyante at ang mga guro ay nagiikot, kasama ang officer ng ALS para tingnan ang mga estudyanteng  nangunguha  ng pagsusulit.
 
Pagkatapos ng test ay hihintayin na lang namin ang resulta ng ginawa naming pagsusulit sa Abril pero sana makapasa kami para naman makapag-enrol na kami sa kolehiyo, at wag kayong malungkot dahil mayroon pang pangalawang pagkakataon para sa mga hindi nakapasa at hindi nakakuha ng pagsusulit. Sana lang makapasa ang mga naunang kumuha ng test para hindi na na kami umulit ng pagsusulit para mkapagkolehiyo na kami ngayong darating na pasukan. Sana makapasa kami sa A & E Test!

 

 

BY ANGELICA CRUZ and SAADIA BALUYOT

Comments